"MAY MINAMAHAL" noon ni Aiko Melendez at "MAY MINAMAHAL" ngayon ng anak niyang si Andre Yllana
Proud at masayang ibinahagi ng aktres na si Aiko Melendez ang larawan ng kanyang anak na si Andre Yllana para sa bago nitong soap opera na may titulong "MAY MINAMAHAL".
Ayon sa caption ng aktres na si Aiko Melendez sa kanyang post...
"Andre Yllana Goodluck! Katuwa the title of the soap he is doing now is “May Minamahal”
So proud of you anak
praying this is it 
salamat ms Veronique and Viva Artists Agency first lead role of Andre!
Directed by Ice Idana
PS wag ka muna maiinlove sa kapartner mo ahh. Kasi si mama mo nainlove nung ginagawa ko ang may minamahal ahahahahah"





Matatandaan na noong 1993 ay "MAY MINAMAHAL" din ang titulo ng pelikulang ginawa ni Aiko kung saan ay si Aga Muhlach ang kanyang leading man. Ang pelikulang "MAY MINAMAHAL" na isang romantic comedy-drama film noong 1993 ay isinulat at idinirek ni Jose Javier Reyes.
Napabilang pa ang pelikulang ito bilang isa sa mga film entry ng 1993 Metro Manila Film Festival kung saan ay nanalo pa ito ng Best Director, Best Story, Best Screenplay (Jose Javier Reyes), Best Actor (Aga Muhlach), Best Supporting Actor (Ronaldo Valdez), Best Art Direction (Benjie de Guzman), Best Float, at tumanggap ng Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Awards.
Taong 1994 naman ng kilalaning Best Supporting Actor sa Gawad Urian at FAMAS Awards ang aktor na si Ronaldo Valdez para sa nasabing pelikula.
Comments
Post a Comment