Mas matapang ang mga artista ngayon na gumaganap sa mga sexy genre kung ikukumpara sa kapanahunan nila ayon sa aktres na si Sheree Bautista ng tanungin sa media conference ng pelikulang "LIGAW NA BULAKLAK".

Naganap ngayong araw ang media conference ng pelikulang "LIGAW NA BULAKLAK" na mula sa direksyon ni Jeffrey Hidalgo na pinagbibidahan nina Arron Villaflor, Sheila Snow, Chloe Jenna kasama sina Sheree Bautista, Jeric Raval, Marissa Sanchez, Gerald Madrid, Dominic Roco, Raul Morit, Dianne Moldez, Van Allen Ong, Cloe Mendoza at Ken Haron.
Ang nabanggit na pelikula ay isinulat nina Jeffrey Hidalgo, Lou Gopez at ni CCP Artistic Director Dennis Marasigan.
Kwento ito ni Dian na isang mahinhin, tahimik ngunit misteryosang babae na anak ni Jeric Raval sa pelikula na syang magdadala sa bahay nila kay Kevin Pascual na isang aktor na gagampanan naman ni Arron Villaflor. Malaki ang paghanga ng karakter ni Dian played by Chloe Jenna kay Arron na siyang magbibigay buhay sa kabuuan ng kwento.
Alamin ang mga karakter na kanilang gagampanan at kilalanin kung sino ba talaga ang tunay na "LIGAW NA BULAKLAK".
Samantala, during presscon ay naitanong ng Entertainment Web sa casts and directors ang pinagkaiba ng mga artistang gumaganap sa sexy genre noon at sa mga artistang gumaganap sa mga sexy genre film ngayon lalo na sa vivamax. Ayon mismo sa direktor na si Jeffrey Hidalgo ay "Wala" diumanong pinagkaiba, maaaring sa teknolohiya dahil mas napabibilis nito ang pag gawa ng pelikula. Ngunit ayon mismo sa former member ng girl grup na VIVA HOT BABES na si Sheree Bautista ay mas matapang diumano ang mga sexy artists ngayon kumpara sa kapanahunan nila noon.
Tila pa-virgin kung ilarawan ni Sheree ang mga sexy artists nung panahon niya habang palaban naman ang mga sexy artists sa kasalukuyan. Mariin namang ipinaliwanag ng aktres na si Marissa Sanchez na nangangarap din sya na ang mga sexy artists ngayon ay hangad niyang mas kakitaan ng talento at hindi lamang sa paghuhubad.
Sa kabilang banda ay inamin rin ng direktor na si Jeffrey Hidalgo na sila ni Direk Dennis Marasigan ay nagkakaroon ng magandang kolaborasyon lalo at higit sa pagbuo ng kwento sa pelikula, bagay na alam naman ng mga taong malapit sa kanila.
Ang pelikulang "LIGAW NA BULAKLAK" ay mapapanood exclusively on vivamax sa world streaming nito ngayong September 22, 2023.

Comments

Popular posts from this blog

TOP PINOY STREAMING PLATFORM VMX UNVEILS ITS NEXT BIG THING

Blockbuster director Petersen Vargas returns to his indie roots with 'Some Nights I Feel Like Walking'

"MY FUTURE YOU" NINA SETH FEDELIN AT FRANCINE DIAZ, MAY MAGANDANG KWENTO, MAHUSAY NA ARTISTA AT MAY KATUTURANG PELIKULA.