"INSTANT DADDY" hatid ay instant luha sa drama na hatid ng pelikula.

INSTANT DADDY" isang pelikula na kakailangin mong magbaon ng tissue sa panonood.
Sabi ng iba ay bihira na lamang ang bagong kwento sa pelikula at nagkakatalo na lamang sa execution nito. Kung totoo man ito ay tiyak na napagtagumpayan ni Direk Crisanto B. Aquino ang maayos na execution sa pelikula.
Maganda ang mga napiling lokasyon ng "INSTANT DADDY", maging ang production design na bumagay mula sa panahon ng pagkabata ng karakter ni Jerald Napoles hanggang sa maipakita ang pagiging tatay niya kay Mira played by Althea Ruedas na talaga namang mahusay sa kanyang pag ganap. Nakakatuwang napanindigan ang istilo ng pananamit ng karakter ni MC Muah at kudos rin sa pagpili ng artistang gumanap na batang MC Muah dahil si bagets ay magaling at chinito rin tulad nito. Malaking tulong ang mga karakter nina MC, Nikko Natividad at Marnie Lapus sa pelikula, kumbaga ay nasa tamang timpla ang casting dahil na rin sa hatid na komedya ng mga karakter nila na bumagay sa ilang drama scenes.
Nakakagulat din ang husay ni Danita Paner na nakipagsabayan din sa acting, mapa comedy scene man o drama. Bumagay naman kay Ryza Cenon ang karakter niya dito na tila maning mani na sa kanya. Medyo nakulangan ako sa eksena ni Jao Mapa pero natimpla naman ng maayos sa kwento.
Magaling si Althea Ruedas at ibang Jerald Napoles ang napanood ko sa pelikulang ito at malayong malayo sa mga nagawa na niya noon. Nabigo ang expectations ko sa kwento dahil may ibang twist pala sa dulo. Habang nanonood ay naramdaman ko na ang sarili kong humihikbi pero ang umagaw ng pansin sa akin ay ang babaeng nasa likuran ko na may tunog na ang pag iyak (seriously, humahagulgol sya). Ginulat na tayo minsan ni Direk Crisanto B. Aquino sa vivamax film niyang RELYEBO at muli ay pinahanga na naman niya ang mga nakapanood ng pelikulang INSTANT DADDY.
Iba pa rin ang family drama, hindi na bago sa manonood ang father and daughter story dahil minsan na rin naman tayong napaiyak sa pelikulang "MIRACLE CELL #7" pero iba ang kwento sa pelikulang INSTANT DADDY. Maayos na nailatag ang kwento, magagaling ang artista at magaganda ang shots sa pelikula.
Panoorin ang pelikulang "INSTANT DADDY" ngayong OCTOBER 11, 2023 in cinemas nationwide. Mula sa direksyon ni Crisanto B. Aquino. At tiyak iiyak ka at matututunan ang salitang pagpapatawad at ang halaga ng mga mahal mo sa buhay na kasama mo pa. Ang pelikulang ito ay magtuturo sa atin na hindi madali maging magulang, maaaring madali ang maging tatay pero isang pagsubok ang magpaka tatay.

Comments

Popular posts from this blog

TOP PINOY STREAMING PLATFORM VMX UNVEILS ITS NEXT BIG THING

TOP PINOY STREAMING PLATFORM VMX (FORMERLY VIVAMAX) CONTINUES TO DEBUT EXCITING NEW FACES TO PROVIDE A CONSTANT RISE IN THE DEGREE OF HOTNESS TO ITS ALREADY STEAMY LINEUP OF PROVOCATIVE CONTENT

"MY FUTURE YOU" NINA SETH FEDELIN AT FRANCINE DIAZ, MAY MAGANDANG KWENTO, MAHUSAY NA ARTISTA AT MAY KATUTURANG PELIKULA.