Jeffrey Hidalgo, Chloe Jenna and William Thio at their photoshoot as Brand Ambassadors of Glass Skin Aesthetics
Masaya ang naganap na photoshoot nina Singer/ Actor- Director Jeffrey Hidalgo, Vivamax Star Chloe Jenna at PTV4 News Anchor William Thio bilang mga ganap na BRAND AMBASSADORS ng nabanggit na skin care brand.
Last September 20, 2023 nang pumirma ng kontrata ang tatlo bilang mga brand ambassador ng GLASS SKIN AESTHETICS.
Masaya sina Jeffrey Hidalgo, Chloe Jenna at William Thio sa magandang takbo ng career nila ngayon. Katatapos lamang maipalabas sa digital streaming platform na vivamax ang pelikulang idinirek niya na pinagbidahan naman ni Chloe Jenna. Sunud sunod na rin ang mga pelikulang gagawin ni Direk Jeffrey gayundin si Chloe. Samantala, patuloy naman na gumagawa ng pangalan sa news industry ang gwapo at talented na si William Thio na kasalukuyang napapanood sa PTV 4.
Ang kanilang kridebilidad bilang direktor, artista at tagahatid ng balita ang isa sa katangiang nagustuhan ng GLASS SKIN AEsTHETICS upang pagkatiwalaan at gawing brand ambassadors ang tatlo. Ang "GLASS SKIN AESTHETICS" ay isang one stop beauty clinic which promotes self- care to their clients na talaga namang binabalik- balikan dahil sa maayos at magandang serbisyo nito. Ilan lamang sa mga services na ino-offer nila ay ang EXILIS na isang face and body slimming treatment, ang SWEATOX na nakatutulong naman para mabawasan ang sobrang pagpapawis natin, VAMPIRE PRP TREATMENT para ma-achieve ang celebrity- look skin, ULTIMATE 7D HIFU ULTRALIFT para naman makatulong na ma-revitalize ang ating skin. May iba pang mga serbisyo sila na kayang ihatid sa atin na tiyak na makakatulong sa atin upang hindi lamang para gumanda kundi maging healthy na rin.
Bisitahin ang kanilang facebook page sa https://www.facebook.com/glassskinaestheticsofficial para sa iba pang services nila o di naman kaya ay tumawag sa kanilang hotline 0915.404.9151
Comments
Post a Comment