42nd Anniversary event ng VIVA FILMS, dinagsa ng malalaking bituin, Megastar Sharon Cuneta at Sen. Robin Padilla muling gagawin ang pelikulang "MAGING SINO KA MAN" next year ayon mismo sa anunsyo ni Boss Vic del Rosario, Anne Curtis, Pops Fernandez at Sharon Cuneta gagawa ng pelikula na magkakasama, VMX V at VMX Bellas all-out performance ang hinandog sa mga empleyado ng VIVA.

Umulan ng bituin kagabi sa pagdiriwang ng VIVA FILMS para sa kanilang 42nd Anniversary Event. Bumisita at nagbigay ng kani- kanilang special number sina Concert King Martin Nievera, It's Showtime host Anne Curtis na hindi nagpaawat sa kanyang song number na "ALONE," Katrina Velarde, Wilbert Ross, Ronnie Liang, ALAMAT, Megastar Sharon Cuneta at Sen. Robin Padilla na kapwa kinanta ang themesong ng kanilang sikat na pelikulang "MAGING SINO KA MAN" na talaga namang nagpakilig sa mga manonood.
Hindi rin nagpahuli ang male group na VMX-V na kinabibilangan nina Sean de Guzman, Marco Gomez, Itan Rosales, Mon Mendoza, at Calvin Reyes kasama ang VMX Bellas na sina Quinn Carrillo, Denise Esteban, Angelica Cervantez, at Hershie de Leon na talaga namang dumagundong ang Metro Tent sa all-out performance ng dalawang grupo. Sa kanilang mainit na performance ay hindi napigilan ng ilang artista at ng iba't ibang departments ng viva films ang mapatayo, at mapasayaw habang gumigiling sa entablado ang VMX-V at VMX Bellas.
Samantala, naroon din kagabi sina Concert Queen Pops Fernandez, Kylie Versoza, Mark Bautista, Sam Shoaf, Aiko Garcia, Andrew Muhlach, Julian Trono, Ella Cruz, Sunshine Guimary, Nicco Locco, Christine Bermas, Kiko Estrada, Heaven Peralejo, Marco Gallo, Robb Guinto, Vivamax Queen Angeli Khang at marami pang iba.
Naroroon din sa event ang ilang direktor tulad nina Cult Director Roman Perez Jr., Jason Paul Laxamana,Direk Irene Villamorr, Direk Joan Laygo na apat sa limang tumayong judge kasama si Mark Bautista para sa MAGPASIKAT version ng viva, Direk Christian Paolo Lat, Direk Jeffrey Hidalgo, at marami pang iba.
Ang nasabing event ay mas naging makulay sa MAGPASIKAT version na naganap kagabi sa event kung saan ang bawat departaments ng viva films ay nagpasiklaban sa kani- kanilang performances na may theme na musical.
Highlights sa gabing iyon ang pag anunsyo ni Boss Vic del Rosario sa gagawing Part 2 ng pelikulang "MAGING SINO KA MAN" na pagbibidahan nina Sen. Robin Padilla at Megastar Sharon Cuneta. Gayundin ang pelikulang pagsasama samahan diumano nina Sharon Cuneta, Anne Curtis at Pops Fernandez.
Iba ang ngiti ni Boss Vic del Rosario kagabi sa naturang 42nd Anniversary, dahil na rin sa katagumpayan ng kanilang kumpanya na umabot na ng higit apat na dekada sa industriya. Marami ang kinilig sa song number nina Sharon at Sen Robin ng kantahin nila ang themesong ng pelikula nilang "MAGING SINO KA MAN' na ayon mismo kay Sen. Robin ay namiss niya umano si DIGNA, ang karakter na ginampanan ni Sharon sa pelikula.
Ang naturang event ay pinangunahan ng mga host kagabi na sina Chad Kinis, Jean Kiley, at Marissa Sanchez. Masaya ang empleyado sa anniversary ng viva kagabi na talaga namang umulan ng papremyo sa kanilang pangmalakasang raffle. Ang naturang event ay pasasalamat na rin ng VIVA FILMS at ng del Rosario family sa mga taong katuwang nila sa pag unlad ng VIVA.

Comments

Popular posts from this blog

TOP PINOY STREAMING PLATFORM VMX UNVEILS ITS NEXT BIG THING

Blockbuster director Petersen Vargas returns to his indie roots with 'Some Nights I Feel Like Walking'

"MY FUTURE YOU" NINA SETH FEDELIN AT FRANCINE DIAZ, MAY MAGANDANG KWENTO, MAHUSAY NA ARTISTA AT MAY KATUTURANG PELIKULA.