Direk Roman Perez Jr., DGPI pinangalanan sina AJ Raval at Angeli Khang na dalawa sa mga paborito niyang artista na idinidirek sa pelikula.
Sa naganap na media conference ng bagong pelikula ni Direk Roman na "SALAKAB" na may world premiere ngayong November 17 ay naitanong si Direk Roman na sa lahat ng mga nahandle niyang baguhang artista ay sino ang itinuturing nitong paborito sa lahat. Ayon mismo sa direktor ay mahihirapan siyang pangalanan ang mga ito dahl baka may sumama ang loob ngunit dalawa sa pinangalanan niya ay sina AJ Raval at Angeli Khang na kapwa mga VIVAMAX QUEEN at naging bahagi ng pelikula ng Cult Director na "TAYA".
Ang pelikulang TAYA ang itinuturing na naging dahilan ng pagputok ng sunud sunod na sexy genre sa kasalukuyan. Binago ng pelikulang ito movie genre na kinagigiliwang panoorin ngayon ng mga Pilipino sa digital streaming platform.
Ayon sa direktor ay madali diumano idirek ang tulad nina AJ at ANgeli dahil nararamdaman ng manonood na pareho lamang sila ng mga artistang gumaganap sa pelikula. Hindi diumano perpekto, simpleng tao ang dalawa dahilan para maka connect ang mga manonood sa kanila.
May ilang mga baguha na cast sa pelikulang "SALAKAB" tulad nina Sahara Bernales at Horace Mendoza na mga alaga ni Jojo Veloso.
Ayon kay Direk Roman ay bibida na rin si Sahara sa directorial debut film ng kanyang apprentice na si Direk Sigrid Polon na may titulong "5 YEARS" na nag umpisa na mag shoot kahapon.
Ang "SALAKAB" ay pagbibidahan ni Angeli Khang kasama sina Benz Sangalang, Jomari Angeles, 2014 ToFarm Best Supporting ACtress Gilleth Sandico, Horace Mendoza at Sahara Bernales.
Mapapanood ang pelikulang "SALAKAB" ngayong November 17, 2023 exclusively on vivamax.
Comments
Post a Comment