WHEN I MET YOU IN TOKYO" PELIKULANG MAGTUTURO SA IYO KUNG GAANO KASARAP MAGMAHAL AT MAHALIN NG TUNAY AT WAGAS.
Ngayong araw ay isang special screening ang naganap sa Director's Club ng SM Megamall para sa pelikulang "WHEN I MET YOU IN TOKYO" na pinagbibidahan nina 2023 MMFF Best Actress Vilma Santos at Christopher de Leon.
Manhid lang ang hindi kikiligin sa tambalan ng mga bida ng pelikulang WHEN I MET YOU IN TOKYO.
Maganda ang pelikula na nagpatunay kung gaano nga ba kasarap mag mahal, mahalin at kung gaano kasakit ang maiwan ng taong nagmamahal sayo ng tunay hanggang dulo.
Mahusay ang pagkakaganap ng karakter nina Vilma Santos at Christopher de Leon na talaga namang di kumukupas ang galing sa pag arte. Pinatunayan nila, na kaya pa rin nilang pakiligin ang manonood at paniwalain ang viewers sa mga karakter na ginagampanan nila.
Dagdag pa dito ang husay ng iba pang artista na kabilang sa pelikula tulad nina Gabby Eigenmann, Gina Alajar, Kakai Bautista, Jackie Woo, Darren Espanto, Cassy Legaspi, Lotlot de Leon at iba pa. May special cameo role din si FDCP Chairperson Tirso Cruz lll.
May ibang flavor ang pelikula na mapapanood mo sa WHEN I MET YOU IN TOKYO, kwento ng wagas na pag ibig at tunay na pagmamahalan. Ngunit ipapakita ng pelikula ang sakit na maaari mong maramdaman kung bigla ka lisanin ng taong minahal mo at minahal ka ng sobra pa sa inaakala mo, dagdag kilig din ang themesong ng pelikula na inawit ng bidang aktor na si Christopher de Leon.
Ang #WhenIMetYouInTokyo ay isa sa sampung pelikula na kabilang sa official film entries to the Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.
Ang pelikulang When I Met You In Tokyo ay humakot din ng award sa natapos na Gabi Ng Parangal. Kinilala ang pelikula bilang Best Float, 4th Best Picture, Best Actress at pinarangalan ng FPJ Memorial Award For Excellence.
Maari mo pa mapanood ang pelikula na mapapanood in cinemas nationwide.
Comments
Post a Comment