"UNANG TIKIM", unang vivamax movie na mapapanood sa mga sinehan na may R16 at R18 na grado mula sa MTRCB

Sa kauna- unahang pagkakataon ay may vivamax movie na maipapalabas sa mga sinehan na mula mismo sa mahusay na direktor na si Cult Director Roman Perez Jr.,DGPI Ayon mismo sa direktor ng pelikula ay may tatlong bersyon ang pelikulang mapapanood ng mga tao simula August 7, 2024. R16 para sa SM Cinemas at R18 naman sa ibang mga sinehan, hahang sa susunod naman na taon ay mapapanood ang "UNANG TIKIM" na higit na mapangahas sa vivamax app. Ang "UNANG TIKIM" ay patungkol sa dalawang babaeng nag ibigan na gagampanan nina VMX Queen Angeli Khang at GL Crush Robb Guinto kasama sina Audrey Avila, Matt Francisco at ang mahusay na aktres na si Ms. Susan Africa. Hindi ito ang unang GL movie ni Direk Roman dahil minsan na din niyang idinirehe ang pelikulang "ADAN" na pinagbidahan naman noon nina Cindy Miranda at Rhen Escaño. Maituturing na malaking katagumpayan ito para sa bakuran ng VIVA FILMS. Aminado ang marami, na sa panahon ng pandemya ay ang VIV...