"UNANG TIKIM", unang vivamax movie na mapapanood sa mga sinehan na may R16 at R18 na grado mula sa MTRCB
Sa kauna- unahang pagkakataon ay may vivamax movie na maipapalabas sa mga sinehan na mula mismo sa mahusay na direktor na si Cult Director Roman Perez Jr.,DGPI
Ayon mismo sa direktor ng pelikula ay may tatlong bersyon ang pelikulang mapapanood ng mga tao simula August 7, 2024.
R16 para sa SM Cinemas at R18 naman sa ibang mga sinehan, hahang sa susunod naman na taon ay mapapanood ang "UNANG TIKIM" na higit na mapangahas sa vivamax app.
Ang "UNANG TIKIM" ay patungkol sa dalawang babaeng nag ibigan na gagampanan nina VMX Queen Angeli Khang at GL Crush Robb Guinto kasama sina Audrey Avila, Matt Francisco at ang mahusay na aktres na si Ms. Susan Africa.
Hindi ito ang unang GL movie ni Direk Roman dahil minsan na din niyang idinirehe ang pelikulang "ADAN" na pinagbidahan naman noon nina Cindy Miranda at Rhen EscaƱo.
Maituturing na malaking katagumpayan ito para sa bakuran ng VIVA FILMS. Aminado ang marami, na sa panahon ng pandemya ay ang VIVA FILMS lamang ang nakakagawa ng pelikula linggo-linggo na naipapalabas sa pamamagitan ng streaming app na vivamax na may higit 7 million ng subscribers.
Sa katunayan ay maraming pelikula si Direk Roman sa vivamax na maituturing na mahuhusay ang istorya tulad ng TAYA, SITIO DIABLO, PUTAHE, HUGAS, PAMASAHE at marami pang iba.
Dagdag pa ng Direktor, narinig niyang minsan ang isa sa mga taga MTRCB na nagsabing "mahuhusay umano umarte ang mga artista sa vivamax" bagay na masayang ibinahagi sa press ni Direk Roman.
Hindi na rin bago para kina Angeli at Robb ang sex scenes at kissing scenes na kapwa babae nila ang kanilang kapareha. Sa katunayan ay kapwa sila nakagawa na ng ganitong mga eksena na higit pa sa sampung pelikula.
Masaya sina Angeli, Robb at Direk Roman na humarap sa media conference kahapon at minsan pang natawag si Direk Roman na tunay na vivamax king dahil sa mga mahuhusay niyang pelikula sa vivamax at ngayon ay gumawa pa ng vivamax movie na mapapanood sa big screen.
Ipinagmalaki naman ng direktor ang husay ng mga bida na sina Angeli at Robb na kapwa napanood din sa katatapos lamang na serye ng GMA Network na "BLACK RIDER". Ayon mismo kay Direk Roman ay hindi lang tapang sa paghuhubad ang mayroon ang mga artistang ito kundi husay din sa pag arte lalo na sa mga eksenang kailangan ng drama.
Mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang " UNANG TIKIM" simula ngayong AUGUST 7,2024
Comments
Post a Comment