KORINA SANCHEZ- ROXAS AT PINKY WEBB, MAGKASAMA SA BAGONG "BILYONARYO NEWS CHANNEL"
Opisyal ng ini-launch ang dynamic lineup ng mga veteran journalists at media personalities sa pangunguna ng mahusay at mapagkakatiwalaang si Ms. Korina Sanchez - Roxas.
Kilala si Korina sa husay sa pagbabalita sa ilang dekada nito sa industriya. Napanood noon sa TV Patrol ng ABSCBN hanggang makilala sa lifestyle programming nito na "RATED KORINA" na umeere sa TV5, A2Z, at sa Kapamilya Channel, habang ang kanyang "KORINA INTERVIEWS" naman ay napapanood sa NET25.
Ang paglipat nito sa BNC ay magiging haligi ng news and public affairs ng naturang istasyon. Ang BNC ay isang istasyon na maghahatid ng makabuluhan at mapagkakatiwalaang balita patungkol sa mga national issues, politics, lifestyle, at maging sa usaping sports. Mapapanood ang BNC sa free TV channel 31 at sa cable via Cignal Channel 24.
Makakasama ni Korina sa BNC ang mga mapagkakatiwalaang personalidad kabilang na dito sina former CNN news anchor Pinky Webb at maging ang mga nakasama nito sa bakuran ng ABSCBN na sina Marie Lozano at Maiki Oreta sa paghahatid ng de-kalibreng balita sa publiko.
Ang "BILYONARYO NEWS CHANNEL" ay handang- handa na sa paghahatid ng makatotohanan, patas at makabuluhang pagbabalita.
Comments
Post a Comment