"MUJIGAE" MAGHAHATID NG FILIPINO KOREAN FAMILY DRAMA NA MAPAPANOOD NA SA SM CINEMAS SIMULA NGAYONG OCTOBER 9

Lst Oct 2 ay naganap ang press conference ng pelikulang "MUJIGAE".
Ang MUJIGAE 무지개 ay maghahatid ng kwentong filipino korean family drama kung saan ay pagbibidahan ito nina Alexa Ilacad, Korean actor Kim Ji- Soo at ang mahusay na si Ryrie Sophia na mapapanood na ngayong October 9, exclusively in SM Cinemas.
Ang pelikulang ito ay para sa mga Nanay, gusto maging nanay, para sa mga nagpapaka nanay at magiging nanay. Ang "MUJIGAE" ay bahaghari sa filipino o RAINBOW sa salitang ingles.
Kabilang din sa pelikula si Rufa Mae Quinto na special participation sa pelikula na mula sa direksyon ni Direk Randolph Longjas and written by Mark Raywin Tome. Kasama din sa pelikula sina Richard Quan, Kate Alejandrino, Donna Cariaga, Cai Cortez, Roli Inocencio, Anna Luna, Lui Manansala at Peewee O'Hara.
Masaya at excited ang cast na humarap sa mga press and bloggers at masiglang sinagot ang mga katanungan sa kanila. Ginanap ang naturang presscon sa Sequioa Hotel sa Quezon City.
Matatas at maganda ang korean diction ng rising child star na si Ryrie. Bagamat purong Pilipino ay natutunan na lamang mag salita ng korean language habang ginagawa ang pelikula ayon mismo sa direktor ng pelikula.
Tila nakabuo ng maayos na friendship ang bawat isang cast. Sa trailer pa lamang na ipinanood sa event kanina ay masasabi mo ng napakaganda ng pelikula. Samantala, pinuri naman ng direktoe ang husay ni Alexa Ilacad sa pagganap nito sa kanyang karakter.
Panoorin ang pelikulang "MUJIGAE" simula ngayong OCTOBER 9 exclusively in SM Cinemas.

Comments

Popular posts from this blog

TOP PINOY STREAMING PLATFORM VMX (FORMERLY VIVAMAX) CONTINUES TO DEBUT EXCITING NEW FACES TO PROVIDE A CONSTANT RISE IN THE DEGREE OF HOTNESS TO ITS ALREADY STEAMY LINEUP OF PROVOCATIVE CONTENT

TOP PINOY STREAMING PLATFORM VMX UNVEILS ITS NEXT BIG THING

Marvin Diamante is a well-known name in the pageant scene, and before the year ends, the young man is finally set to pursue a career in showbiz