GREEN BONES, pinuno ng pelikula ang puso ko ng pag asa, ng saya at pinatunayan nito na ang tao ay likas na mabuti at hindi likas na masama.

Tuturuan ka ng pelikula maging mabuting tao., matutong mangarap at huwag bumitiw sa isang pangako.
Mahusay ang pag ganap nina Dennis Trillo at Ruru Madrid malaki ang posibilidad ng BEST ACTOR AWARD sa kanila dahil ipaparamdam ng kanilang pag arte ang totoong tuwa, hinagpis, ligaya, at pait ng karanasan.
Hindi madamot ang pelikula dahil sa location pa lamang nito ay nagkukwento na. Kudos sa Location Manager ng pelikulang "GREEN BONES", tama ang timpla ng vista, naiakma ng maayos ang location ayon sa pangangailangan ng istorya.
Nakakatuwang mapanood ang supporting cast tulad nina Mikoy Morales, Royce Cabrera, Soliman Cruz, Ruby Ruiz, Kylie Padilla, Alessandra De Rossi, Michael de Mesa at iba pa. At mas mapupukaw ka sa husay ni Sienna Stevens at ni Wendell Ramos na talaga namang hinusayan ang pag ganap kaya may posibilidad na manominate sa Best Supporting Actor category.
Samantala, maganda ang pagkakakwento ng pelikula mula sa POV ni Xavier Gonzaga na ginampanan ni Ruru Madrid ay nagbigay din ang pelikula ng POV ni Domingo Zamora na ginampanan naman ni Dennis Trillo.
Malaking bagay sa pelikula ang Tree of Hope, magaling ang kwento sa pag gamit ng biswal gamit ang puno kung saan isinasabit ang mga hiling ng mga PDL. Pang world class ang atake ng pelikula. Lumabas ako ng sinehan na namumugto ang mata. Pinuno ng pelikula ang puso ko ng pag asa, ng saya at pinatunayan nito na ang tao ay likas na mabuti at hindi likas na masama. Mapapanood ang pelikulang "GREEN BONES" simula ngayong December 25 bilang isa sa mga kalahok sa 50th MMFF Ang "GREEN BONES" ay mula sa direksyon ni Zig Dulay at sa produksyon ng GMA Pictures, GMA Public Affairs at Brightburn Entertainment

Comments

Popular posts from this blog

TOP PINOY STREAMING PLATFORM VMX UNVEILS ITS NEXT BIG THING

TOP PINOY STREAMING PLATFORM VMX (FORMERLY VIVAMAX) CONTINUES TO DEBUT EXCITING NEW FACES TO PROVIDE A CONSTANT RISE IN THE DEGREE OF HOTNESS TO ITS ALREADY STEAMY LINEUP OF PROVOCATIVE CONTENT

"MY FUTURE YOU" NINA SETH FEDELIN AT FRANCINE DIAZ, MAY MAGANDANG KWENTO, MAHUSAY NA ARTISTA AT MAY KATUTURANG PELIKULA.