"MY FUTURE YOU" NINA SETH FEDELIN AT FRANCINE DIAZ, MAY MAGANDANG KWENTO, MAHUSAY NA ARTISTA AT MAY KATUTURANG PELIKULA.

Kahanga hanga ang pelikulang "MY FUTURE YOU" na kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival na pinagbibidahan nina Seth Fedelin at Francine Diaz.
Ito ang tanging pelikula na nakakuha ng kwalipikasyong Rated G mula sa MTRCB. Hindi na rin nakapagtataka dahil sa ganda ng kwento at husay ng mga artista.
Hindi na bago kay Direk Crisanto Aquino ang mga pelikulang pakikiligin ka dahil muli ay napagtagumpayan niya ito saksi ako sa hiyawan ng mga manonood sa tuwing lumalabas ang kanilang mga idolo at nasa eksenang halos maglapat na ang kanilang mga mukha sa split screen dahil kapwa sila nasa magkaibang panahon. Ang kahanga hanga pa dito ay ang istoryang kakaiba na bibihira mo mapanood sa pelikula.
Mahirap bumuo ng pelikula na may magkaibang panahon. Ang 15 years gap ay nangangailangan ng husay ng isip at creative concept upang lalong makuha ang puso ng manonood nito. Ituturo ng pelikula ang kahalagahan ng pamilya, pagiging kuntento at ang pagiging grateful sa kung anumang meron tayo. Ipapaalala sa atin ng "MY FUTURE YOU" na ang mga kaganapan sa buhay natin ay ayon lagi sa perpektong plano ng Diyos.
Isang pagpapaalala na iba ang plano ng tao sa perpektong plano ng Panginoon. At sa kung paano nangyari ang lahat ay siyang dapat mong panoorin sa pelikula. Samantala, mahusay gumanap sina Seth at Francine, mga pag ganap na talaga namang hahangaan mo at tiyak na pakikiligin ka. Dagdag pa ang mga mahuhusay nilang co-stars sa pelikula. Ang bawat eksena ay tunay na kaabang abang, maiihi ka na sa kilig pero pipigilin mo mag cr dahil ang daming revelation at nagaganap sa bawat eksena. Panoorin ang "MY FUTURE YOU" simula December 25 in cinemas nationwide mula sa Regal Entertainment Inc.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

TOP PINOY STREAMING PLATFORM VMX UNVEILS ITS NEXT BIG THING

Blockbuster director Petersen Vargas returns to his indie roots with 'Some Nights I Feel Like Walking'