JC SANTOS AT RHIAN RAMOS BIBIDA SA PELIKULANG "MEG & RYAN" NA MAPAPANOOD NGAYONG AUGUST 6 SA MGA SINEHAN

Tunghayan ang kwento nina Meg & Ryan na gagampanan ng dalawa sa mga mahuhusay na aktor sa bansa na sina JC Santos at Rhian Ramos sa "MEG & RYAN".
Gaganap si JC Santos bilang isang conservative draftsman na nasa mid-30s na nakakaranas ng "midlife crisis" hanggang sa matatagpuan niya ang isang mayamang dalaga na si Meg na gagampanan naman ni Rhian Ramos.
Sa pelikula ay ipapakilala si Meg played by Rhian na dumaranas ng pagsubok dahil sa drinking problem nito simula pa sa edad na 18. Habang si Ryan naman played by JC Santos ay tinanggap na sa sarili na magiging single na siya habambubay dahil na rin sa tatlong heartbreak experiences niya. At sa edad ni Ryan na 35 ay nananatili pa ring birhen ang binata.
Nagkataon. Nagkatagpo. Nagkalapit.
Mula sa mahusay na panulat ni Gina Tagasa at sa direksyon ni Catherine Camarillo. Panoorin ang kakaibang love story na ito sa mga sinehan.
"MEG & RYAN" this August 6 in cinemas nationwide. #MegAndRyan #JCSantos #RhianRamos #PocketMediaProductions

Comments

Popular posts from this blog

TOP PINOY STREAMING PLATFORM VMX UNVEILS ITS NEXT BIG THING

Blockbuster director Petersen Vargas returns to his indie roots with 'Some Nights I Feel Like Walking'

"MY FUTURE YOU" NINA SETH FEDELIN AT FRANCINE DIAZ, MAY MAGANDANG KWENTO, MAHUSAY NA ARTISTA AT MAY KATUTURANG PELIKULA.