BIDA-KONTRABIDA QUEEN NG TV5 NA SI PEARL GONZALES, SI ENRIQUE GIL ANG NAIS MAGING LEADING MAN
Iba ang ganda ni Pearl Gonzales ng humarap sa press at bloggers. Masiyahin at talaga namang blooming ang dalaga ngayon na talaga namang sumakses sa kanyang career.
Nakagawa na siya ng mga serye sa Dashflix gayundin sa "I SEE YOU" na napapanood sa Cignal Play kung saan nakasama pa niya ang isa sa mga paborito niyang kontrabida actress na si Dimples Romana.
Ang one of the cast ng latest Cignal Play series na "BOYS LOVE TRIANGLE" na si Pearl ay masayang ibinahagi rin sa press and bloggers na nais niya maging leading man ang aktor na si Enrique 'Quen' Gil na aminado namang crush nga niya ang binata.
Nagsimula mag artista si Pearl taong 2013 sa ilalim ng Star Magic bago pa man umarangkada ang career sa bakuran ng TV5 at MQuest Ventures.
Si Pearl ang kinilalang 2018 MISS GLOBAL PH at minsan ding lumahok sa Miss Universe Ph bilang Miss Quezon City noong 2023.
Bukod sa angking ganda ay kakikitaan mo rin siya ng husay sa pag arte. Ito na marahil ang dahilan kung bakit ibinigay sa kanya ng TV5 ang titulong BIDA-KONTRABIDA QUEEN.
Napahagalpak na lamang ng tawa ang dalaga ng tanungin sya patungkol sa isyu ng relasyon diumano niya sa aktor na si Paolo Contis ngunit mabilis ang sagot ng dalaga na magkaibigan lamang sila.
Si Pearl Gonzales ay kabilang sa sa latest series ng Cignal Play na #BoysLoveTriangle na mula sa produksyon ng MQuest at White Space Digital Studios kung saan ay makakasama naman nito sa serye sina Eian Rances, Michael Ver, Epi Quizon, Daytona, Phi Palmes, Mark Grabador at Kid Yambao na mula sa direksyon ni Multi- Talented Director Bobby Bonifacio Jr.
Sa kasalukuyan ay focus ang dalaga sa magandang takbo ng kanyang career kaya dedma muna siya sa lovelife. Minsan na daw niya kasi ito naging priority. Dahil maganda naman ang plano sa kanya ng TV5 at MQuest kaya naman mas tututukan na muna raw niya ang kanyang showbiz career habang sunud sunod ang mga nabibigay na proyekto sa kanya.
Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Pearl sa mga taong patuloy na naniniwala sa kanyang kakayahan bilang artista. Kaya naman nagpapasalamat siya sa kanyang talent manager na sina Tyrone Escalante at Jeffrey Remigio gayundin sa TV5 at MQuest.
Magiliw kausap si Pearl, kaya naman hindi na rin nakapagtatala kung bakit mahal siya ng mga press media.
Sa angking ganda ni Pearl Gonzales ay hindi rin maikakaila na isa siyang beauty queen na may resemblance din sa aktres na si Alice Dixson.






Comments
Post a Comment