"I LOVE YOU SINCE 1892" MAPAPANOOD NA SIMULA NGAYONG SEPTEMBER SA VIVA ONE

Mula present ay mapupunta sa taong 1892 ang isang spoiled brat nang mapasakanya ang isang misteryosong diary sa sikat na Wattpad novel na “I Love You Since 1892”. Mula sa panulat ni Binibining Mia, ang nobela ay umani ng mahigit sa 132 million reads simula nang lumabas ito noong 2016. Ang Viva One original series na ito ay produced by Studio Viva in partnership with Webtoon Productions.
Ngayong 2025, makalipas ang halos isang dekada, ang kwento ay mapapanood na sa Viva One. Pinagbibidahan ng award-winning actress na si Heaven Peralejo, ang series adaptation ng “I Love You Since 1892” ay sa ilalim ng direksyon ng award-winning director na si McArthur C. Alejandre. Sina Jerome Ponce at Joseph Marco naman ang maglalaban para sa puso ng karakter na ginagampanan ni Heaven. Sa pagpasyal ni Carmela Isabella (Peralejo) sa San Alfonso, nadiskubre niyang kamukhang-kamukha niya ang kanyang lola sa talampakan na si Carmelita Montecarlos. Makikilala niya ang isang madre na si Madre Olivia at nang mabasa ang diary na naglalaman ng kwento ng pag-ibig ni Carmelita, biglang mapupunta si Carmela sa taong 1892 kung saan makikilala siya bilang si Carmelita. Para makabalik sa kanyang tunay na panahon, dapat mapigilan ni Carmela ang kasal ni Carmelita kay Juanito at sagipin ang buhay ng binatang ito. Ngayong siya na si Carmelita, magugustuhan ni Carmela ang gwapo, matalino at mabait na si Juanito Alfonso (Ponce). Bilang anak ng isang gobernadorcillo, nakaplano na ang buhay ni Juanito, tulad ng kanyang pagiging doktor kahit na pagpipinta ang gusto niyang gawin. Mababago ang lahat nang makilala niya si Carmela bilang Carmelita. Mag-iibigan ang dalawa pero darating ang unang pag-ibig ni Carmelita na si Leandro Flores (Marco). Bumalik ito mula sa Cuba kung saan siya naghahanda para maging sundalo. Hangad niya rin na pigilan ang pagpapakasal nina Juanito at Carmelita. Sa gitna ng kanilang love triangle, haharapin din ng tatlo ang mga iskandalong pulitikal at mga personal na trahedya. Sa cast reveal na naganap nitong Hulyo, sinabi ni direk McArthur C. Alejandre na nagustuhan niya ang “very young, very energetic” vibe ng kwento at pinapangakong makikita at mararamdaman din ito sa serye. “You will be satisfied visually,” aniya. Binahagi ni Binibining Mia ang kanyang pag-sangayon sa mga artistang gaganap. Aniya, “Kahit wala pong sabihin yung mga character, kaya pong mangusap ng mga mata. At nakita ko po sa mga tingin nila na sumanib sa kanila sina Juanito, Leandro, at Carmela,” at ito ay nakatanggap ng palakpakan. Maipagmamalaki rin ang support cast ng “I Love You Since 1892”. Ang Pamilya Montecarlos ay binubuo nina Christian Vasquez bilang si Don Alejandro, ama ni Carmelita; Maricel Morales bilang si Donya Soledad, ina ni Carmelita; Louise Delos Reyes bilang si Maria at Anna Luna bilang si Josefina, mga kapatid ni Carmelita. Ang Pamilya Alfonso ay binubuo nina Soliman Cruz bilang si Don Mariano, ama ni Juanito; Andrea Del Rosario bilang si Donya Juanita, ina ni Juanito; Billy Jake Cortez bilang si Heneral Sergio, Ashley Diaz bilang si Sonya, at Gabriel Evangelista bilang si Angelito, mga kapatid ni Juanito. Ang Pamilya Flores ay binubuo nina Christopher Roxas bilang si Kapitan Vicente, ama ni Leandro; Christine Bermas bilang si Natasha at Liz Gonzales bilang si Helena, mga kapatid ni Leandro. Walang kinagisnang ina si Leandro. Si Suzette Ranillo ang gaganap bilang si Madre Olivia, ang madre na magiging gabay ni Carmela sa nakaraan. Nagtataglay ng magandang mensahe tungkol sa kapangyarihan ng pag-ibig ang “I Love You Since 1892” kaya naman minahal at tinangkilik ng marami ang nobelang ito. Panahon na para maibahagi ito sa mas malawak na manonood. Ipalalabas ang serye simula ngayong September 6 kaya mag-subscribe na sa Viva One. #ILOVEYOUSINCE1892 #HeavenPeralejo #JosephMarco #JeromePonce

Comments

Popular posts from this blog

TOP PINOY STREAMING PLATFORM VMX UNVEILS ITS NEXT BIG THING

TOP PINOY STREAMING PLATFORM VMX (FORMERLY VIVAMAX) CONTINUES TO DEBUT EXCITING NEW FACES TO PROVIDE A CONSTANT RISE IN THE DEGREE OF HOTNESS TO ITS ALREADY STEAMY LINEUP OF PROVOCATIVE CONTENT

Blockbuster director Petersen Vargas returns to his indie roots with 'Some Nights I Feel Like Walking'