MGA KAALYADO NI DUTERTE, NAGSAMPA NG IMPEACHMENT COMPLAINT LABAN KAY PBBM

Naghain ng Impeachment Complaint laban kay Pangulonbg Ferdinand Marcos Jr. ang isang grupo ng mga kilalang personalidad na itinuturing na kaalyado ng kampo ni Dating Pangulo Rodrigo Duterte na kasalukuyan ngayong nasa ICC at hinaharap ang kaso sa kanya sa international court.
Dumating kamakailan sa Kamara de Representantes ang mga complainant upang isumite ang reklamo na naglalaman ng iba’t ibang paratang laban sa Pangulo, kabilang ang umano’y culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust, at graft and corruption. Kabilang sa mga nagsampa ng reklamo sina dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson, dating kongresista Mike Defensor, dating kinatawan Jacinto Paras, at abogado na si Ferdinand Topacio, kasama ang iba pang dating opisyal ng pamahalaan. Gayunman, hindi agad tinanggap ng Office of the Secretary General ng House of Representatives ang reklamo dahil sa mga isyung administratibo, bagay na kinuwestiyon ng mga complainant. Ayon sa kanila, hindi dapat maging hadlang ang mga teknikal na dahilan upang mapigilan ang paghahain ng impeachment complaint. Samantala, mariing itinanggi ng Malacañang ang mga paratang at iginiit na walang sapat na batayan ang reklamong inihain laban kay Pangulong Marcos. Sa ilalim ng Saligang Batas, isang impeachment complaint lamang ang maaaring tanggapin laban sa isang opisyal sa loob ng isang taon, oras na ito ay pormal na maihain at maresolba ng Kamara. Sa kabila nito, sinasabi ng ilang political analyst na malabo umanong umusad ang impeachment dahil sa matibay na suporta ng administrasyon sa Kongreso. Patuloy na babantayan ang mga susunod na hakbang kaugnay ng reklamong ito na muling nagbukas ng tensyon sa pagitan ng kampo nina Marcos at Duterte. Samantala, mariing itinatanggi ng grupo na ito na hindi sila tauhan o pakawala ng kampo ng Dating Pangulo Rodrigo Duterte kahit ayon sa marami ay obvious naman na sila ay literal kampi at mula sa kampo ng dating pangulo. Nakakalungkot mang isipin ngunit tila magpasahanggang ngayon ay patuloy pa ring pinaglalaruan ng dating administrasyon ang ating bayan.

Comments

Popular posts from this blog

TOP PINOY STREAMING PLATFORM VMX (FORMERLY VIVAMAX) CONTINUES TO DEBUT EXCITING NEW FACES TO PROVIDE A CONSTANT RISE IN THE DEGREE OF HOTNESS TO ITS ALREADY STEAMY LINEUP OF PROVOCATIVE CONTENT

TOP PINOY STREAMING PLATFORM VMX UNVEILS ITS NEXT BIG THING

Marvin Diamante is a well-known name in the pageant scene, and before the year ends, the young man is finally set to pursue a career in showbiz