Si Atong Ang, Si FPRRD, Ang E-Sabong At Kontrobersya Sa Likod Nito

Nag offer ang gobyerno ng PhP10 Million na reward para sa impormasyong makapagtuturo kung nasaan ang negosyanteng si Atong Ang. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay may ilan pa ding nagtatanong kung sino nga ba si Atong Ang, ano ang koneksyon nito sa dating pangulong Rodrigo Duterte at bakit pinayagan ni FPRRD ang E-Sabong at ang kwento sa likod ng kontrobersya nito.
Sino nga ba si Atong Ang? Siya ay negosyante at kilalang personalidad sa industriya ng sabong at gaming sa Pilipinas at kontrobersyal dahil sa kinakaharap nitong kaso sa kasalukuyan. May arrest warrant na inumpisahan nang ipatupad ng Philippine National Police laban kay Atong Ang at iba pa kaugnay ng kaso ng missing sabungeros. Mula noong 2025, iniimbestigahan na ang pagkawala ng mga sabungero (cockpit enthusiasts) at may mga alegasyon na nauugnay sa grupo at operasyon ni Atong Ang. Ang Department of Justice ay nag deklara kay Atong Ang at aktres na si Gretchen Barretto bilang mga suspect sa kaso ng missing sabungeros at umabot ito sa prelimenary investigation. Sa kabila nito ay naging maugong din ang kaugnayan ni Atong Ang sa dating pangulo na si Rodrigo Duterte kaya naman napapatanong din ang ilan kung bakit nga ba pinayagan ni FPRRD ang E-Sabong at ano nga ba ang koneksyon nito sa negosyanteng si Atong Ang. Bagamat walang pormal na tungkulin o opisyal na ugnayan sa pamahalaan ang dalawa ngunit may mahalagang punto ng ugnayan nila na naitala sa media at ilang pahayagan. Noong 2018, inamin FPRRD na siya mismo ang tumawag kay Atong Ang at kinausap ito para tulungang ihinto ang mga iligal na aktibidad sa loob ng PCSO at humiling na tumulong sa gobyerno. Tinawag din ni FPRRD si Atong Ang bilang "number one gambler" sa Davao City at hinimok na tumulong sa paglilinis ng PCSO. Bagaman tinawag si Atong Ang ni FPRRD noon ay hindi siya opisyal na itinalaga sa anumang posisyon sa PCSO o sa gobyerno. Nilinaw ang pahayag na humingi lamang ng tulong si FPRRD noon sa kanya at hindi ito nangangahulugang may opisyal na tungkulin o appoinbtment ang huli sa PCSO o iba pang ahensya. Batay sa testimonya sa Senado at iba pang ulat mula sa Rappler, si Atong Ang ay nakipag-usap sa mga opisyal ng PCSO, at may mga alegasyon na makontrol ang small town lottery o kilala sa tawag na STL operations. May mga ulat din tungkol sa mga kinasasangkutan ni Atong Ang at mga dating Duterte-appointed na opisyal. Ngunit bakit nga ba pinayagan ang E-Sabong? Ang marahil na dahilan ay malaking kita para sa gobyerno. Sa gitna ng pandemya naghahanap ang gobyerno ng alternatibong pagkukunan ng pondo. Ang E-Sabong ay nagbigay ng bilyun-bilyong piso na kita sa estado. Ayon mismo sa gobyerno, malaking bahagi nito ay napunta sa COVID-19 response at serbisyong panlipunan habang ang regulasyon at koleksyon ng buwis ay isinagawa sa pamamagitan ng PAGCOR. Isa pa marahil na dahilan ay ipinagbawal kasi noong panahon ng pandemya ang Physical Sabong dahil na rin sa health protocol. Ang E-Sabong ang nakitang paraan bilang online alternative para magpatuloy na kumita ang industriya at maiwasan ang iligal na underground gambling. Samantala, hindi naman naging tutol ang administrasyong Duterte sa sugal at ang nais lang nito ay ang maayos na regulasyon. Ligal ang sabong sa bansa at an g E-Sabong ay ligal din bilang modern way ng sabong sa kasalukuyan. Sa paglipas ng panahon ay nagkakaroon na din ng paghihigpit dahil na rin sa tumataas ng bilang ng adiksyon sa pagsusugal. Pagpapatunay lamang na lahat ng sobra ay masama at literal na sumasablay ang isang bagay sa tuwing mali ang tunay na hangarin sa isang bagay.

Comments

Popular posts from this blog

TOP PINOY STREAMING PLATFORM VMX (FORMERLY VIVAMAX) CONTINUES TO DEBUT EXCITING NEW FACES TO PROVIDE A CONSTANT RISE IN THE DEGREE OF HOTNESS TO ITS ALREADY STEAMY LINEUP OF PROVOCATIVE CONTENT

TOP PINOY STREAMING PLATFORM VMX UNVEILS ITS NEXT BIG THING

Marvin Diamante is a well-known name in the pageant scene, and before the year ends, the young man is finally set to pursue a career in showbiz