"ALL ABOUT HER" Ibubunyag ang mga lihim na kwento sa likod ng pageantry
Real life Beauty Queens na sina Yuki Sonoda at Kelly Day bibida sa pelikulang "ALL ABOUT HER"
Ang pelikulang "All About Her" ay isang drama-thriller na kalahok sa 2026 Sinag Maynila Intenational Film Festival. Ang pelikula ay umiikot sa isang krimen at ang mga sikreto sa likod ng mundo ng pageantry. Nagsisimula ito sa trahedya nang matagpuang patay si Isabella Fuentes, isang beauty queen, at nawala ang kanyang nobyo na si William Dela Cruz.
Sa pag-usad ng imbestigasyon, kinuwestiyon ang matalik na kaibigan at kapwa beauty queen ni Isabella na si Olivia Rose. Sa pamamagitan ng mga interogasyon at flashbacks, mabubunyag ang mga lihim, pagtataksil, at inggit sa mundo ng pageantry, lalo na matapos ang hindi inaasahang pagkapanalo ni Isabella.
Mas magiging kumplikado ang kaso nang matagpuan ang bangkay ni William. Maniniwala ang mga awtoridad na isang krimen ng pag-ibig at poot ang nangyari, ngunit may mga detalye pa ring hindi malinaw. Nagtatago ang katotohanan sa likod ng mga kasinungalingan, at ang "spotlight" ay maaaring hindi nakatutok sa tamang lugar.
Ito ay isang kuwento kung saan ang ambisyon, inggit, at pagtataksil ay nagsasama-sama, at ang tunay na katotohanan ay nakatago.


Comments
Post a Comment