"ALL ABOUT HER" OPISYAL NA KALAHOK SA 2026 SINAG MAYNILA

Isang matinding crime-drama ang handog ng 3:16 Media Network sa pamamagitan ng “ALL ABOUT HER,” official finalist sa SINAG MAYNILA Independent Film Festival 2026 na gaganapin mula Marso 23–29 sa piling sinehan sa Metro Manila. Sa direksyon ng multi-awarded master director na si Joel C. Lamangan, tampok ang mga mahuhusay na aktor sa kanilang henerasyon na sina Tony Labrusca, Yuki Sonoda, Kelley Day, Itan Rosales, Marco Gomez, Angelica Cervantes, Jim Pebamco at Pancho Magno.
Umiikot ang kuwento sa misteryosong pagkamatay ng isang beauty queen at pagkawala ng kanyang nobyo, isang imbestigasyong magbubunyag ng selos, ambisyon, at pagtataksil sa likod ng makislap na mundo ng pageantry.
Habang dumarami ang rebelasyon, mas lalong nagiging malabo kung sino ang tunay na may sala. Sa festival na pinamumunuan ni award-winning director na ssi Brillante Mendoza kasama si Wilson Tieng ng Solar Pictures, tiyak na magiging usap-usapan ang pelikulang maglalantad ng katotohanang nagtatago sa likod ng mga ngiti at korona.

Comments

Popular posts from this blog

TOP PINOY STREAMING PLATFORM VMX (FORMERLY VIVAMAX) CONTINUES TO DEBUT EXCITING NEW FACES TO PROVIDE A CONSTANT RISE IN THE DEGREE OF HOTNESS TO ITS ALREADY STEAMY LINEUP OF PROVOCATIVE CONTENT

TOP PINOY STREAMING PLATFORM VMX UNVEILS ITS NEXT BIG THING

Marvin Diamante is a well-known name in the pageant scene, and before the year ends, the young man is finally set to pursue a career in showbiz