"ALL ABOUT HER" PELIKULANG KAPANANABIKANG PANOORIN
Hindi binigo ng manunulat at aktres na si Quinn Carrillo ang manonood ng pelikulang "ALL ABOUT HER" dahil sa husay ng pagkakatahi ng kwento.
Nagtagumpay ang pelikula sa motibo nitong pag isipin ang manonood na hanapin ang salarin na suliranin ng dalawang imbestigador.
Mahusay si Kelley Day sa kanyang pag ganap at kamamanghaan mo ang kanyang talento sa pag arte. Habang nanonood ay tila nakikisimpatya ka na din sa suliranin ng mga imbestigador sa pelikula na ginagampanan nina Marco Gomez at Angelica Cervantes.
Iba din ang atake na ipinakita ni Yuki Sonoda sa pelikula kasama sina Itan Rosales at Tony Labrusca.
Malinaw sa manonood ang nais na tahakin ng pelikula at ito ay ang solusyunan ang pagkawala ng isang karakter at alamin kung sino ang salarin. Matapos mo panoorin ay mauunawaan mo na kung bakit ang titulo ng pelikula ay "ALL ABOUT HER."
Samantala, mapapanood pa ang pelikula hanggang sa March 29 bilang bahagi ng 2026 Sinag Maynila International Film Festival.
Ang "ALL ABOUT HER" ay mula sa direksyon ni Joel Lamangan at sa produksyon ng 3:16 Media Network na pinamumunuan ni Ms. Len Carrillo.
Maaari pang mapanood ang pelikula sa mga sumusunod na schedule.
MARCH 24, Tuesday
5:00 PM – Lucky Chinatown Cinema 1
8:00 PM – Venice Cinema 1
MARCH 25, Wednesday
5:00 PM – Eastwood Cinema 1
8:00 PM – Lucky Chinatown Cinema 1
8:00 PM – Venice Cinema 1
MARCH 26, Thursday
5:00 PM – Gateway Cinema 18
8:00 PM – Lucky Chinatown Cinema 1
MARCH 27, Friday
5:00 PM – Uptown Cinema 4
MARCH 28, Saturday
5:00 PM – Venice Cinema 1
8:00 PM – Gateway Cinema 18
MARCH 29, Sunday
8:00 PM – Venice Cinema 1
Admission is P250.

Comments
Post a Comment