"DESPERADA" isang obrang hindi mo dapat palampasin

Kwento ito ng mga taong dumaranas ng mental illness. Mula sa mahusay na panulat ni Dennis C. Evangelista at sa direksyon ni Louie Ignacio. Mula sa mahuhusay na pag ganap nina Mercedes Cabral at Sue Prado ay higit mo pang hahangaan sina Yasser Marta, Mhack Morales at Robb Guinto. Agaw eksena naman sa pelikula ang maskuladong aktor na si Jorge Guda dahil sa pag ganap nito bilang Paulo na hindi mo aakalain na magiging pambalanse ng lasa sa pelikula ang karakter niya. Mahusay si Robb Guinto at deserved niya ng award dito gayon din si Mhack at Yasser. R-18 ang pelikula dahil sa mga love scenes at frontal nudity na kailangan din naman sa pelikula. Nakakatuwa ang pagkakasulat ng pelikula at maging ang execution na ginawa dito ng direktor. Good job sa location manager na bagamat mangilan-ngilan lamang ito ay nagmukha naman itong makatotohanan. Pero ang nakakagulat ay yung love scene sa loob ng nitcho sa sementeryo nina Joko Rivera at Julianne Richards na gumaganap naman bilang Gigi sa pelikula. Malinis ang pagkakagawa ng pelikula, bibitbitin ka nito sa mundo ng may kapansanan sa pag iisip, ituturo ng pelikula na hindi tayo dapat mawalan ng pag asa at huwag na huwag magsawa gumawa ng mabuti. Kudos sa direktor gayundin sa mahusay na pag ganap nina Robb Guinto, Mhack Morales at Yasser Marta. Special mention sa husay ng pag portray dito si Jorge Guda. Samantala, maaari pa ding mapanood ang "DESPERADA" sa mga sumusunod na schedule. MARCH 24, Tuesday 5:00 PM – Eastwood Cinema 1 8:00 PM – Lucky Chinatown Cinema 1 MARCH 25, Wednesday 8:00 PM – Uptown Cinema 4 MARCH 26, Thursday 2:00 PM – Gateway Cinema 17 MARCH 27, Friday 5:00 PM – Eastwood Cinema 1 8:00 PM – Venice Cinema 1 MARCH 28, Saturday 8:00 PM – Eastwood Cinema 1 8:00 PM – Lucky Chinatown Cinema 1 MARCH 29, Sunday 5:00 PM – Gateway Cinema 18 5:00 PM – Uptown Cinema 4

Comments

Popular posts from this blog

TOP PINOY STREAMING PLATFORM VMX (FORMERLY VIVAMAX) CONTINUES TO DEBUT EXCITING NEW FACES TO PROVIDE A CONSTANT RISE IN THE DEGREE OF HOTNESS TO ITS ALREADY STEAMY LINEUP OF PROVOCATIVE CONTENT

TOP PINOY STREAMING PLATFORM VMX UNVEILS ITS NEXT BIG THING

Marvin Diamante is a well-known name in the pageant scene, and before the year ends, the young man is finally set to pursue a career in showbiz