"I FELL, IT'S FINE" PELIKULANG HINDI TINIPID AT TUNAY NA MAHUSAY
PELIKULANG "I FELL, IT'S FINE" HAHANGAAN NG MANONOOD DAHIL SA HUSAY NG KWENTO NITO
Unang nagsama sa isang serye sina Rhian Ramos at Glaiza De Castro sa GMA TV series na "The Rich Man's Daughter" noong 2015. At makalipas ang isang dekada ay muling nagsama ang dalawa para sa isang malaking pelikula.
Bibida sina Rhian at Glaiza sa pelikulang
"I FELL, IT'S FINE" na mula sa panulat at direksyon ni Sigrid Andrea P. Bernardo na produced ng Wide International Film & Entertainment na pinamumunuan nina Pauline Mae Publico at April Martin na siya ring pinagmulan ng konsepto nito.
Naganap ngayong gabi ang red carpet premiere night na dinaluhan ng mga Kapuso artists tulad nina Kokoy De Santos, Michelle Dee, Rayver Cruz, Julie Ann San Jose, Dasuri Choi, Rodjun Cruz, Zeus Collins at iba pa.
Samantala, ang pelikula ay tumatalakay sa paglaya ng puso patungo sa tamang tao sa buhay mo. Kwento ito ni Ann played by Glaiza de Castro at Chicks played by Rhian Ramos.
Kabilang din sa pelikula sina Rafael Rosell, Queernay Mercado at Ms. Elizabeth Oropesa. May magandang detalye ang pelikula, (not to mention to avoid spoilers) ang daming ploty twist, maraming revelation, isa itong pelikula na kakikiligan ng babae, lalake, single man kayo o taken.
Maayos ang pagkakalwento ng pelikula, maganda ang production design, ang kulay at maging mga location nito lalo na ang simbahan.
Nakakakilig ang landian ng dalawa sa kama at sa bathtub. Nakaka goodvibes na landian kumbaga. Dagdag pa ang mga supporting actors nito na talaga namang nagdadagdag ng kulay sa pelikula. Ramdam mong hindi tinipid ang pelikula, mula sa walang sawang wine, red label johnny walker, isang buong manok at isang buong cake. Mapapansin mo din na hindi nila hinayaang aalog alog ang eksena sa laki ng lication lalo na sa pool area dahil ang mga talents literal na may bilang at pakinabang sa pelikula... (literal na hindi tinipid, literal na hindi ginipit)
Maganda ang pagkakakwento, mamahalin ito ng mga kapatid sa LGBTQIA+ Community except kay Alvin Aragon dahil tiyak aayawan niya 🤣
Rated R16 ang pelikula, maraming magagandang eksena, maraming magagandang punchline, maraming magagandang dialogue, wala kang itatapon na eksena dahil bawat scene ay tiyak na nanamnamin mo.
Congrats sa writer at direktor na si Sigrid Andrea P. Bernardo dahil another quality movie na naman ang kanyang nagawa.
Mapapanood ang "I FELL, IT'S FINE" sa April 4, 2026 in cinemas nationwide

Comments
Post a Comment