Quinn Carrillo, malalim ang simpatya sa pagredpeto sa kababaihan

Actress/writer na si Quinn Carrillo gigil sa usaping "pag respeto sa kababaihan" Si Quinn Carillo ang screenplay writer ng pelikulang "ALL ABOUT HER" na kalahok sa 2026 Sinag Maynila Intrenational Film Festival na ididirek ni Joel Lamangan. Kahapon sa mediacon ay ibinahagi niya na napapanahon ang pelikulang "ALL ABOUT HER" bilang pag alala sa Women's Month. At ng matanong si Quinn patungkol sa isyu ng pag-respeto sa kababaihan ay mabilis ang sagot ng aktres na wala sa pananamit ng mga babae ang bastos na pag-iisip ng mga tao. Kung tutuusin nga naman sa nobelang Noli Me Tengere ay nakasuot pa ng saya si Maria Clara ngunit napagsamantalahan pa din ni Padre Damaso. Samantala, ikalawang pagsali na ito ni Quinn sa festival. Nung una ay ng makalahok ang pelikulang MY FATHER, MYSELF sa MMFF at ngayon ay ang "ALL ABOUT HER" na kapwa mula sa direksyon ni Joel Lamangan kaya naman kahapon sa mediacon ay ibinahagi ni Quinn na luckycharm niya umano ang direktor. Ang "ALL ABOUT HER" ay pagbibidahan nina Kelly Day, Yuki Sonoda, Tony Labrusca, Angelica Cervantes, Pancho Magno at Marco Gomez na mula sa 3:16 media network na mapapanood na sa mga sinehan simula March 23-29, 2026

Comments

Popular posts from this blog

TOP PINOY STREAMING PLATFORM VMX (FORMERLY VIVAMAX) CONTINUES TO DEBUT EXCITING NEW FACES TO PROVIDE A CONSTANT RISE IN THE DEGREE OF HOTNESS TO ITS ALREADY STEAMY LINEUP OF PROVOCATIVE CONTENT

TOP PINOY STREAMING PLATFORM VMX UNVEILS ITS NEXT BIG THING

Marvin Diamante is a well-known name in the pageant scene, and before the year ends, the young man is finally set to pursue a career in showbiz