Yuki Sonoda at Kelly Day bibida sa pelikulang "ALL ABOUT HER" ni Direk Joel Lamangan na official film entry sa 2026 Sinag Maynila International Film Festival
Dalawang beauty queen in real life, magsasama sa isang pelikula na kalahok sa 2026 SINAG MAYNILA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL, ang "ALL ABOUT HER"
Sina Yuki Sonoda at Kelly Day ang bibida sa pelikulang "ALL ABOUT HER" sa direksyon ni Joel Lamangan at screenplay ni Quinn Carrillo, kasama din sa pelikula sina Tony Labrusca, Pancho Magno, Marco Gomez at Angelica Cervantes.
Kahapon ay naganap ang media conference ng pelikula sa Quezon City Sports Complex na dinaluhan ng mga kilalang editor sa tabloid at broadsheet, at vloggers kung saan ay napag usapan ang tungkol sa pelikula.
Masaya ang direktor ng pelikula lalo na sa mga piling aktor na kabilang sa proyekto na bagamat baguhan ang nga bida ay hindi aniya siya pinahirapan ng nga ito dahil sa angking husay ng mga ito sa pag-arte.
Mapapanood ang "ALL ABOUT HER" simula March 23-29, 2026 in cinemas nationwide bilang bahagi sa official film entry ng 2026 Sinag Maynila International Film Festival. Ang naturang pelikula ay mula sa 3:16 Media Network.






Comments
Post a Comment