Longest-Running Philippine TV Shows, anong TV Show ang kasing edad mo?
May mga palabas sa telebisyon sa Pilipinas na mas matanda pa sa edad natin. Mayroon ka bang inabutan sa mga ito?
Alam niyo bang ang "longest- running English- language newscast" sa bansa ay may edad na 56 years old? Ito ay ang programang "THE WORLD TONIGHT" na nagsimulang umere noong November 1966 at napapanood pa rin hanggang ngayon.
47 years naman ang programang "KAPWA KO, MAHAL KO" na hanggang ngayon ay napapanood pa rin. Nagsimulang umere ang "longest- running public service show" na ito noong December 1975.
Ang kilalang "EAT BULAGA" naman ang may hawak ng titulo na "longest- running noontime variety show" sa bansa na kakatapos lamang magdiwang ng kanilang 44th anniversary. Unang napanood ito noong July 30, 1979.
2nd longest- running noontime variety show" naman ang "STUDENT CANTEEN" na tumagal sa telebisyon ng 19 years.
Sinundan naman ng "IT'S SHOWTIME" na 13 years na sa Philippine television.
38 years naman ang itinagal ng "FAMILY KWARTA O KAHON" ng yumaong game show host na si Pepe Pimentel. Ang nasabing game show ay unang napanood sa ABSCBN noong 1962, lumipat ito ng tv network sa RPN 9 noong 1984 at huling napanood noong taong 2000. Ito ang may hawak ngayon ng titulong "longest running game show" sa bansa.
Ang programang "TV PATROL" ay 36 years na nating napapanood sa telebisyon. Kasalukuyan pa ring napapanood ang programa sa Kapamilya channel at sa A2Z Channel. Ito ang may hawak ng titulong "longest- running Filipino language newscast" sa bansa.
Marami ang nalungkot nung tuluyan ng namaalam sa telebisyon ang 'longest running drama anthology" sa bansa na "MAALAALA MO KAYA" ni Charo Santos. Ang programa noon na pinagpupustahan pa natin kung ano ang titulo sa episode nila. Ngunit alam niyo bang tumagal ito ng 31 years sa telebisyon.
Pumapangalawa naman ang programang "MAGPAKAILANMAN" ni Mel Tiangco na nasa 20 years na ring umeere sa telebisyon.
At "3rd longest- running drama anthology" naman ang "LOVINGLY YOURS, HELEN" na tumagal din ng 16 years.
"Longest- running musical variety show" naman ang "ASAP" na 28 years na nating napapanood tuwing Linggo.
Habang ang programang "BUBBLE GANG" na napapanood natin sa loob ng 27 years ang siyang "longest- running sketch comedy program" sa bansa.
Dalawang dekada din natin napanood ang programang "MAYNILA" na siyang "longest- running daytime drama anthology" na unang napanood noong 1999 at huling napanood noong August 8, 2020.
"STARTALK" naman ang may hawak ng titulong "longest- running weekly entertainment news and talk show" na unang napanood noong October 1995 at huling napanood nong September 2015. Tumagal ang programang ito sa loob ng 19 years.
Sana ay mapag ingatan ang mga ganitong uri ng panoorin. Dahil ang bawat palabas sa telebisyon ay bakas ng ating nakaraan, kasalukuyan at hinaharap.
Published By: Mark Ranel Grabador
Comments
Post a Comment