Pumanaw na ang beteranong aktor na si Robert Arevalo
Si Robert Arevalo ay ikinasal sa aktres na si Barbara Perez noong 1961 at nagkaroon ng dalawang anak. Ilan sa mga pelikulang ginawa ng aktor ay ang Noli Me Tangere noong 1961, El Filibusterismo noong 1962, GOMBURZA noong 1977 at gumanap sa karakter na EFREN sa tv series na FPJ's Ang Probinsyano.
Alam niyo bang naging news anchor din ang beteranong aktor noon bukod sa pag aartista? Naging news anchor si Robert Arevalo sa programang BALITA NGAYON kasama ang female newscaster na si Mel Tiangco sa ABSCBN. Ito ay isang news bulletin sa ABSCBN noon bago pa isilang ang TV PATROL nong 1987 kung saan ay minsan din itong naging bahagi ng news program.
Si Robert Arevalo ay anak ng isang aktor, direktor at musician na si Tito Arevalo. Tyuhin ng aktor na si Robert ang actor director na si Angel Esmeralda na siyang tatay ng yumaong aktor na si Jay Ilagan.
Taong 1965 ng manalo ang aktor ng BEST ACTOR Award sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences para sa pelikulang ANG DAIGDIG NG MGA API. Nanalo din siya ng BEST SCREENPLAY sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino noong 1977 para sa pelikulang HUBAD NA BAYANI. At noong 1990 ay nagwagi ang aktor ng BEST SUPPORTING ACTOR award sa METRO MANILA FILM FESTIVAL para sa pelikulang AMA, BAKIT MO AKO PINABAYAAN?, At kinilalang BEST SUPPORTING ACTOR sa Film Academy of The Philippines para sa pelikulang PANGAKO NG KAHAPON noong 1994.
Ang aming pagkilala at pagsaludo sa kanyang mga likha at kontribusyon sa bansa. Rest in peace Mr. Robert Arevalo.
Comments
Post a Comment