VIVAMAX, number 1 digital streaming platform in the country
Patuloy pa rin sa pagbuo ng mga de- kalibreng pelikula ang number one streaming platform sa bansa na VIVAMAX. Ang digital streaming platform na ito na kasalukuyan ng may higit 7,000,000 subscribers.
Ilan sa mga pelikulang tumatak sa naturang digital streaming platform na VIVAMAX ay ang PAGLAKI KO GUSTO KONG MAGING PORNSTAR ni Direk Darryl Yap, TAYA at PAMASAHE ni Direk Roman Perez Jr., SILIP SA APOY ni Direk McArthur Alejandre, TAHAN ni Direk Bobby Bonifacio Jr., at HIGH ON SEX ni Direk GB Sampedro.
Ilan lamang sa mga artista at pelikulang napapanood sa vivamax ay kinikilala na rin at pinarangalan sa ibang bansa tulad na lamang ni beauty queen turned actress 2016 Miss International Kylie Versoza na noong nakaraang taon ay pinarangalan at kinilalang BEST ACTRESS sa DUBAI para sa 2022 Distinctive International Arab Festivals Awards (DIAFA) para sa mahusay niyang pag ganap sa pelikulang THE HOUSEMAID ni Direk Roman Perez Jr., kabilang sa cast ng nabanggit na pelikula ang mga mahuhusay na aktor tulad nina Albert Martinez, Jaclyn Jose, Alma Moreno at Louise Delos Reyes. Habang ang pelikulang SITIO DIABLO na mula rin sa direksyon ni Roman Perez Jr., ay ipinalabas naman sa bansang Malaysia at naging nominado pa sa BEST CINEMATOGRAPHY category sa natapos na 2023 Asean International Film Festivals and Awards ngayong taon.
Samantala ang direktor naman ng pelikulang SILIP SA APOY na si Direk McArthur Alejandre ang siya namang nagwagi bilang BEST DIRECTOR sa 2022 Wallachia International Film Festival sa Romania.
Taong 2021 ng unang ilunsad ang digital streaming platform na VIVAMAX. Ang naturang digital streaming platform ang tila sumagip sa maaaring tunguhan ng ilang taon na pagsasara ng mga sinehan sa bansa sa panahon ng pandemya.
Sa kasalukuyan, ang pelikulang PAMASAHE pa rin ang may hawak ng titulong Number 1 All- Time Streams On Opening Day. Ang pelikulang ito na nagpakilala sa husay sa drama ng baguhang artista na si Azi Acosta. Bagamat ang VIVAMAX ay isang digital streaming platform ay tulad rin naman ng mainstream film na ginagastusan at hinuhusayan din ang pagbuo nito.
Malalaking pangalan at artista na din ang ilan sa mga napabilang sa mga naging proyekto ng vivamax. Tulad na lamang ng mga beteranong direktor na sina Jose Javier Reyes, Joel Lamangan, Cannes Best Actress Jaclyn Jose, Albert Martinez at marami pang iba.
Ayon nga mismo kay Viva Communications President and Chief Operating Officer na si Boss Vincent Del Rosario sa isang panayam "viewers are always looking for something new. You should have consistency. If you don't have that, you risk losing subscribers".
Kaya naman patuloy pa rin sa pagtuklas ng mga bagong artista ang VIVA ARTIST AGENCY at patuloy pa rin sa pag buo ng iba't ibang pelikula na may magagandang tema at kwento upang higit pang maging kaaya aya at magustuhan ng manonood ang mga pelikulang mayroon ang vivamax.
Every week ay iba't ibang bagong pelikula at series ang inilalabas ng nasabing streaming platform. Mga pelikulang kinagigiliwan ng mga manonood. Ilan lamang sa mga pelikulang mapapanood ngayon sa vivamax ay ang LITSONERAS, KAMADORA, KAHALILI, at napakarami pang iba.
Kamakailan lamang ay sa kilalang Cinemalaya Independent Film Festival sa PICC ginanap ang premiere night ng upcoming film ng vivamax na CALL ME ALMA ni Ms. Jaclyn Jose at Azi Acosta. Ang kauna unahang vivamax film na inilabas sa Cinemalaya at napanood sa PICC.
Hanggang saan nga ba ang itatagal ng vivamax simula ng ilunsad ito sa panahon ng pandemya? Saan nga ba patungo ang digital streaming platform at mga pelikulang napapanood sa sinehan? Ngunit kung saan man ito patungo ay isa lang ang kasiguraduhan, yan ay isang bahagi ng pagsabay ng bansa sa panahon, sa kaunlaran at sa makabagong henerasyon na patuloy pa ring may makinarya para maihatid sa tao ang sining, kultura at mga filipino films na magpapatunay na totoong pang world class ang ating talento.
Published By: Mark Ranel Grabador
Comments
Post a Comment