"INSTANT DADDY" hatid ay instant luha sa drama na hatid ng pelikula.
INSTANT DADDY" isang pelikula na kakailangin mong magbaon ng tissue sa panonood. Sabi ng iba ay bihira na lamang ang bagong kwento sa pelikula at nagkakatalo na lamang sa execution nito. Kung totoo man ito ay tiyak na napagtagumpayan ni Direk Crisanto B. Aquino ang maayos na execution sa pelikula. Maganda ang mga napiling lokasyon ng "INSTANT DADDY", maging ang production design na bumagay mula sa panahon ng pagkabata ng karakter ni Jerald Napoles hanggang sa maipakita ang pagiging tatay niya kay Mira played by Althea Ruedas na talaga namang mahusay sa kanyang pag ganap. Nakakatuwang napanindigan ang istilo ng pananamit ng karakter ni MC Muah at kudos rin sa pagpili ng artistang gumanap na batang MC Muah dahil si bagets ay magaling at chinito rin tulad nito. Malaking tulong ang mga karakter nina MC, Nikko Natividad at Marnie Lapus sa pelikula, kumbaga ay nasa tamang timpla ang casting dahil na rin sa hatid na komedya ng mga karakter nila na bumagay sa ilang drama...