CBS CHINA BANK SAVINGS, IPINARAMDAM ANG KANILANG PAGPUPUGAY, PAGMAMAHAL AT PAGMAMALASAKIT SA MGA GURO SA NATAPOS NA NATIONAL TEACHERS DAY
Last October 4 ay ibang pagpapakita ng pagpupugay ang ibinahagi at ipinaramdam ng CBS China Bank Savings sa selebrasyon ng National Teachers Day. Dahil hindi lang isa o dalawa ang pinasaya ng naturang kumpanya dahil namahagi ang CBS China Bank Savings ng naglalakihang papremyo sa ating mga guro.
Namigay sila ng 20 start-up savings deposits of Php50,000 each under CBS My First Million account, 30 Lenovo laptops, 20 Honda Click 125i motorcycles at ang grand prize na 2024 Toyota Innova XE.
Present sa naturang selebrasyon sina CBS President James Christian Dee, CBS First Vice President Niel C. Jumawan at ang DepEd Regional Director.
Ang naturang event na may temang "UMUULAN NG PAPREMYO AT SAYA SA NATIONAL TEACHERS DAY '24" na finanap sa Quezon City.
Ilang taon na din ito isinasagawa ng CBS China Bank Savings bilang pagpapakita ng kanilang suporta at pagsaludo sa mga Pilipinong Guro.
Maraming naglalakihang kumpanya ngunit mararamdaman mo sa CBS China Bank Savings ang kanilang sinseridad na pagpapahalaga sa edukasyon at mga guro sa ating bansa. Sa katunayan ay nagkakarion na rin ng dayalogo ang kumpanya sa ahensya ng DepEd sa kung paano pa higit na makakatuling ang CBS China Bank Savings patungkol sa pagsasaayos at pagtataas ng antas ng edukasyon sa bansa.
Bibihira ang ganitong puso at kaisipan sa malalaking kumpanya kaya naman malaki rin ang pasasalamat ng mga guro sa proyektong ito na ilang taon na ring isinasagawa ng CBS China Bank Savings.
Comments
Post a Comment