"ISANG HIMALA", pelikulang mamahalin mo at gigisingin ang pagkatao mo sa pagitan ng katotohanan at pagpapanggap na nagaganap sa mundo
"ISANG HIMALA", pelikulang mamahalin mo at gigisingin ang pagkatao mo sa pagitan ng katotohanan at pagpapanggap na nagaganap sa mundo.
Mahusay ang Production Design team na bumuo sa pelikula, kapansin-pansin ang napakagandang set design at maging ang mga kasuotan ng mga artista sa pelikula.
Di na rin nakapagtataka dahil almost 300 names ng art department ang mababasa mo sa closing billboard ng "ISANG HIMALA". Hinusayan at ginalingan ni Ericson Navarro ang pagbuo ng set upang hindi mailayo sa orihinal na kwento at orihinal na lugar. Bagamat sa loob lamang ng studio naganap ang kabuuan ng pelikula ay napagtagumpayan ito ng produksyon.
Imagine ang eksena na umuulan sa lugar ng Cupang ay nakapagtatakang nagawa pa din nila. Kudos sa buong departamento ng Art Department ng pelikula.
Samantala, bibihira ka makapanood ng musical film na kalahok sa MMFF at sa pagkakataong ito ay tanging ang pelikulang "ISANG HIMALA" lamang ang gumawa nito ngayong taon sa sampung pelikula na kalahok sa 50th MMFF.
Mahuhusay ang mga artistang nagsiganap mula sa bidang si Aicelle Santos hanggang sa supporting cast ay lahat ay mahuhusay.
Kapansin- pansin din ang husay sa pagganap ni Kakki Teodoro bilang si Nimia na posibleng masungkit ang BEST SUPPORTING ACTRESS award, dagdag pa ang mahuhusay na sina Neomi Gonzales na gumaganap naman bilang si Chayong, Bituin Escalante bilang Aling Saling at ang mahusay na aktor na si David Ezra na gumaganap naman bilang Orly.
Magaganda ang mga komposisyon ng musika, tila nanonood ka sa teatro na ginawang pelikula. Hamon para sa pelikula ang pag suporta ng masa ngunit garantisado ang ganda ng pelikula.
Wala mang maraming sikat na pangalan mula sa mainstream tv or movie ay tiyak naman na magugustuhan mo ang timpla ng istorya at sarap ng lasa ng kanilang pagganap.
Nakakatuwa din na marinig ang boses ng orihinal na gumanap bilang ELSA sa pelikula na si National Artist and Superstar Nora Aunor na may partisipasyon sa pelikula.
Maganda, pinag isipan, pinag aralan at pinaghandaan ganyan mo mailalarawan ang kabuuan ng pelikulang "ISANG HIMALA".
Mula sa mahusay na panulat ni National Artist Ricky Lee at sa direksyon ni Pepe Diokno, mapapanood mo na simula ngayong December 25 ang pelikulang "ISANG HIMALA" mula sa CreaZion Studios
Comments
Post a Comment