"I LOVE YOU SINCE 1892" MAPAPANOOD NA SIMULA NGAYONG SEPTEMBER SA VIVA ONE
Mula present ay mapupunta sa taong 1892 ang isang spoiled brat nang mapasakanya ang isang misteryosong diary sa sikat na Wattpad novel na “I Love You Since 1892”. Mula sa panulat ni Binibining Mia, ang nobela ay umani ng mahigit sa 132 million reads simula nang lumabas ito noong 2016. Ang Viva One original series na ito ay produced by Studio Viva in partnership with Webtoon Productions. Ngayong 2025, makalipas ang halos isang dekada, ang kwento ay mapapanood na sa Viva One. Pinagbibidahan ng award-winning actress na si Heaven Peralejo, ang series adaptation ng “I Love You Since 1892” ay sa ilalim ng direksyon ng award-winning director na si McArthur C. Alejandre. Sina Jerome Ponce at Joseph Marco naman ang maglalaban para sa puso ng karakter na ginagampanan ni Heaven. Sa pagpasyal ni Carmela Isabella (Peralejo) sa San Alfonso, nadiskubre niyang kamukhang-kamukha niya ang kanyang lola sa talampakan na si Carmelita Montecarlos. Makikilala niya ang isang madre na si Madre Olivia a...