"ISANG HIMALA", pelikulang mamahalin mo at gigisingin ang pagkatao mo sa pagitan ng katotohanan at pagpapanggap na nagaganap sa mundo

"ISANG HIMALA", pelikulang mamahalin mo at gigisingin ang pagkatao mo sa pagitan ng katotohanan at pagpapanggap na nagaganap sa mundo. Mahusay ang Production Design team na bumuo sa pelikula, kapansin-pansin ang napakagandang set design at maging ang mga kasuotan ng mga artista sa pelikula. Di na rin nakapagtataka dahil almost 300 names ng art department ang mababasa mo sa closing billboard ng "ISANG HIMALA". Hinusayan at ginalingan ni Ericson Navarro ang pagbuo ng set upang hindi mailayo sa orihinal na kwento at orihinal na lugar. Bagamat sa loob lamang ng studio naganap ang kabuuan ng pelikula ay napagtagumpayan ito ng produksyon. Imagine ang eksena na umuulan sa lugar ng Cupang ay nakapagtatakang nagawa pa din nila. Kudos sa buong departamento ng Art Department ng pelikula. Samantala, bibihira ka makapanood ng musical film na kalahok sa MMFF at sa pagkakataong ito ay tanging ang pelikulang "ISANG HIMALA" lamang ang gumawa nito ngayong ta...