"I FELL, IT'S FINE" PELIKULANG HINDI TINIPID AT TUNAY NA MAHUSAY
PELIKULANG "I FELL, IT'S FINE" HAHANGAAN NG MANONOOD DAHIL SA HUSAY NG KWENTO NITO Unang nagsama sa isang serye sina Rhian Ramos at Glaiza De Castro sa GMA TV series na "The Rich Man's Daughter" noong 2015. At makalipas ang isang dekada ay muling nagsama ang dalawa para sa isang malaking pelikula. Bibida sina Rhian at Glaiza sa pelikulang "I FELL, IT'S FINE" na mula sa panulat at direksyon ni Sigrid Andrea P. Bernardo na produced ng Wide International Film & Entertainment na pinamumunuan nina Pauline Mae Publico at April Martin na siya ring pinagmulan ng konsepto nito. Naganap ngayong gabi ang red carpet premiere night na dinaluhan ng mga Kapuso artists tulad nina Kokoy De Santos, Michelle Dee, Rayver Cruz, Julie Ann San Jose, Dasuri Choi, Rodjun Cruz, Zeus Collins at iba pa. Samantala, ang pelikula ay tumatalakay sa paglaya ng puso patungo sa tamang tao sa buhay mo. Kwento ito ni Ann played by Glaiza de Castro at Chicks played by...