Posts

Showing posts from March, 2026

"I FELL, IT'S FINE" PELIKULANG HINDI TINIPID AT TUNAY NA MAHUSAY

Image
PELIKULANG "I FELL, IT'S FINE" HAHANGAAN NG MANONOOD DAHIL SA HUSAY NG KWENTO NITO Unang nagsama sa isang serye sina Rhian Ramos at Glaiza De Castro sa GMA TV series na "The Rich Man's Daughter" noong 2015. At makalipas ang isang dekada ay muling nagsama ang dalawa para sa isang malaking pelikula. Bibida sina Rhian at Glaiza sa pelikulang "I FELL, IT'S FINE" na mula sa panulat at direksyon ni Sigrid Andrea P. Bernardo na produced ng Wide International Film & Entertainment na pinamumunuan nina Pauline Mae Publico at April Martin na siya ring pinagmulan ng konsepto nito. Naganap ngayong gabi ang red carpet premiere night na dinaluhan ng mga Kapuso artists tulad nina Kokoy De Santos, Michelle Dee, Rayver Cruz, Julie Ann San Jose, Dasuri Choi, Rodjun Cruz, Zeus Collins at iba pa. Samantala, ang pelikula ay tumatalakay sa paglaya ng puso patungo sa tamang tao sa buhay mo. Kwento ito ni Ann played by Glaiza de Castro at Chicks played by...

"ALL ABOUT HER" PELIKULANG KAPANANABIKANG PANOORIN

Image
Hindi binigo ng manunulat at aktres na si Quinn Carrillo ang manonood ng pelikulang "ALL ABOUT HER" dahil sa husay ng pagkakatahi ng kwento. Nagtagumpay ang pelikula sa motibo nitong pag isipin ang manonood na hanapin ang salarin na suliranin ng dalawang imbestigador. Mahusay si Kelley Day sa kanyang pag ganap at kamamanghaan mo ang kanyang talento sa pag arte. Habang nanonood ay tila nakikisimpatya ka na din sa suliranin ng mga imbestigador sa pelikula na ginagampanan nina Marco Gomez at Angelica Cervantes. Iba din ang atake na ipinakita ni Yuki Sonoda sa pelikula kasama sina Itan Rosales at Tony Labrusca. Malinaw sa manonood ang nais na tahakin ng pelikula at ito ay ang solusyunan ang pagkawala ng isang karakter at alamin kung sino ang salarin. Matapos mo panoorin ay mauunawaan mo na kung bakit ang titulo ng pelikula ay "ALL ABOUT HER." Samantala, mapapanood pa ang pelikula hanggang sa March 29 bilang bahagi ng 2026 Sinag Maynila International Film Fest...

"DESPERADA" isang obrang hindi mo dapat palampasin

Image
Kwento ito ng mga taong dumaranas ng mental illness. Mula sa mahusay na panulat ni Dennis C. Evangelista at sa direksyon ni Louie Ignacio. Mula sa mahuhusay na pag ganap nina Mercedes Cabral at Sue Prado ay higit mo pang hahangaan sina Yasser Marta, Mhack Morales at Robb Guinto. Agaw eksena naman sa pelikula ang maskuladong aktor na si Jorge Guda dahil sa pag ganap nito bilang Paulo na hindi mo aakalain na magiging pambalanse ng lasa sa pelikula ang karakter niya. Mahusay si Robb Guinto at deserved niya ng award dito gayon din si Mhack at Yasser. R-18 ang pelikula dahil sa mga love scenes at frontal nudity na kailangan din naman sa pelikula. Nakakatuwa ang pagkakasulat ng pelikula at maging ang execution na ginawa dito ng direktor. Good job sa location manager na bagamat mangilan-ngilan lamang ito ay nagmukha naman itong makatotohanan. Pero ang nakakagulat ay yung love scene sa loob ng nitcho sa sementeryo nina Joko Rivera at Julianne Richards na gumaganap naman bilang Gigi ...

JANETTE GARIN, MULA DOH HANGGANG KONGRESO NAGSESERBISYO SA BAYAN AT SA TAO

Image
Muling napapabilang sa usapin sa national politics si Janette Loreto Garin, isang doktor at beteranang mambabatas, dahil sa kanyang patuloy na papel sa Kongreso at sa mga isyung may kinalaman sa kalusugan ng publiko. Si Janette Garin ay nagsilbing Kalihim ng Department of Health (DOH) noong 2015 hanggang 2016 sa ilalim ng administrasyon ni Benigno Aquino III. Sa kasalukuyan, siya ay kinatawan ng Unang Distrito ng Iloilo at nagsisilbi ring Deputy Speaker sa Kamara. Sa kabila ng lahat, nananatiling aktibo si Garin sa Kongreso, partikular sa mga usaping pangkalusugan, budget, at pamamahala. Ilan sa kanyang mga pahayag ay tumutuligsa sa umano’y maling paggamit ng pondo sa sektor ng kalusugan at kakulangan sa serbisyong medikal. Bilang mambabatas, kabilang si Garin sa mga nagsulong ng mahahalagang batas gaya ng Cheaper Medicines Law, Magna Carta of Women at Reproductive Health Law. Nakatuon din ang kanyang mga panukala sa pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan, edukasyon, at imprast...

"DESPERADA" INE OF THE OFFICIAL FILM ENTRY 2026 SINAG MAYNILA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

Image
Sa direksyon ni Luisito Lagdameo Ignacio, hatid ang makabagbag-damdaming pelikula na "DESPERADA", an official film entry sa 2026 SINAG MAYNILA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL. Sinusundan ng pelikula ang kwento ng isang batang babae na labis ang pinagdaanang trauma matapos matagpuan sa lansangan at mailigtas. Dinala siya sa isang shelter para sa mga may suliranin sa kalusugang pangkaisipan kung saan, sa gitna ng mga pusong sugatan at mga nakaraan na puno ng sakit, unti-unti niyang matutuklasan ang paghilom, pag-asa, at isang pag-ibig na hindi niya inaasahan. Isang kwentong magpapaalala na kahit gaano pa kalalim ang sugat ng puso, may pag-asa pa ring muling bumangon at magmahal. Pagbibidahan nina Robb Guinto, Yasser Marta, Mhack Morales, George Guda, Sue Prado at Ms Mercedes Cabral Mapapanood ang Sinag Maynila 2026 mula March 23 hanggang 29 sa mga piling sinehan: Gateway, Eastwood, Uptown, Venice Cineplex, at Lucky Chinatown Cinemas. #SinagMaynila2026

Nustar Online, suportado ang mga may kalidad na pelikulang pilipino

Image
Iba ang suportang ibinibigay ng #NustarOnline sa pelikulang pilipino tulad ng pag sponsor nila sa block screening ng pelikulang #Sisa na pinagbibidahan ng mahusay na aktres na si #HildaKoronel March 14 ngayong araw ay nabigyan tayo ng pagkakataon na maimbitahan upang panoorin ang pelikulang "SISA" at tulad ng inaasahan ay kamamanghaan mo ang kabuuan ng pelikulang ito na mula sa direksyon ni Jun Robles Lana. Ayon mismo kay Ms. Krizia Cortez PR Director of NUSTAR Online “The Filipino film industry is one of our greatest cultural exports. At kung kaya naming makatulong sa kahit anong paraan para mapanatili itong malakas at matatag, then that is what NUSTAR Online will always say yes to.” Sa katunayan ay hindi lang isang block screening ang nakaschedule na initiatives ng Nystar Online kundi higit pa sa dalawa. 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟏𝟒 GATEWAY Cinema 17 GATEWAY Cinema 18 SM Sta. Mesa Director’s Club 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟏𝟓 SM Aura Director’s Club Robinsons Magnolia Cinema 7 Samantala, ...

Quinn Carrillo, malalim ang simpatya sa pagredpeto sa kababaihan

Image
Actress/writer na si Quinn Carrillo gigil sa usaping "pag respeto sa kababaihan" Si Quinn Carillo ang screenplay writer ng pelikulang "ALL ABOUT HER" na kalahok sa 2026 Sinag Maynila Intrenational Film Festival na ididirek ni Joel Lamangan. Kahapon sa mediacon ay ibinahagi niya na napapanahon ang pelikulang "ALL ABOUT HER" bilang pag alala sa Women's Month. At ng matanong si Quinn patungkol sa isyu ng pag-respeto sa kababaihan ay mabilis ang sagot ng aktres na wala sa pananamit ng mga babae ang bastos na pag-iisip ng mga tao. Kung tutuusin nga naman sa nobelang Noli Me Tengere ay nakasuot pa ng saya si Maria Clara ngunit napagsamantalahan pa din ni Padre Damaso. Samantala, ikalawang pagsali na ito ni Quinn sa festival. Nung una ay ng makalahok ang pelikulang MY FATHER, MYSELF sa MMFF at ngayon ay ang "ALL ABOUT HER" na kapwa mula sa direksyon ni Joel Lamangan kaya naman kahapon sa mediacon ay ibinahagi ni Quinn na luckycharm niya uma...

"ALL ABOUT HER" Ibubunyag ang mga lihim na kwento sa likod ng pageantry

Image
Real life Beauty Queens na sina Yuki Sonoda at Kelly Day bibida sa pelikulang "ALL ABOUT HER" Ang pelikulang "All About Her" ay isang drama-thriller na kalahok sa 2026 Sinag Maynila Intenational Film Festival. Ang pelikula ay umiikot sa isang krimen at ang mga sikreto sa likod ng mundo ng pageantry. Nagsisimula ito sa trahedya nang matagpuang patay si Isabella Fuentes, isang beauty queen, at nawala ang kanyang nobyo na si William Dela Cruz. Sa pag-usad ng imbestigasyon, kinuwestiyon ang matalik na kaibigan at kapwa beauty queen ni Isabella na si Olivia Rose. Sa pamamagitan ng mga interogasyon at flashbacks, mabubunyag ang mga lihim, pagtataksil, at inggit sa mundo ng pageantry, lalo na matapos ang hindi inaasahang pagkapanalo ni Isabella. Mas magiging kumplikado ang kaso nang matagpuan ang bangkay ni William. Maniniwala ang mga awtoridad na isang krimen ng pag-ibig at poot ang nangyari, ngunit may mga detalye pa ring hindi malinaw. Nagtatago ang katotohanan s...

Yuki Sonoda at Kelly Day bibida sa pelikulang "ALL ABOUT HER" ni Direk Joel Lamangan na official film entry sa 2026 Sinag Maynila International Film Festival

Image
Dalawang beauty queen in real life, magsasama sa isang pelikula na kalahok sa 2026 SINAG MAYNILA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL, ang "ALL ABOUT HER" Sina Yuki Sonoda at Kelly Day ang bibida sa pelikulang "ALL ABOUT HER" sa direksyon ni Joel Lamangan at screenplay ni Quinn Carrillo, kasama din sa pelikula sina Tony Labrusca, Pancho Magno, Marco Gomez at Angelica Cervantes. Kahapon ay naganap ang media conference ng pelikula sa Quezon City Sports Complex na dinaluhan ng mga kilalang editor sa tabloid at broadsheet, at vloggers kung saan ay napag usapan ang tungkol sa pelikula. Masaya ang direktor ng pelikula lalo na sa mga piling aktor na kabilang sa proyekto na bagamat baguhan ang nga bida ay hindi aniya siya pinahirapan ng nga ito dahil sa angking husay ng mga ito sa pag-arte. Mapapanood ang "ALL ABOUT HER" simula March 23-29, 2026 in cinemas nationwide bilang bahagi sa official film entry ng 2026 Sinag Maynila International Film Festival. An...

Cong. Gerville Luistro, hindi siya basta babae lang

Image
HINDI SIYA BABAE LANG KUNDI ISANG BABAENG MAY PRINSIPYO, CONG. GERVILLE LUISTRO, KILALA SA MATAPANG NA PANININDIGAN LABAN SA KORAPSYON AT PAGSUSULONG NA ITAAS ANG ANTAS NG PAMAHALAAN Patuloy na kinikilala sa Kamara si Gerville Luistro, kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Batangas, dahil sa kanyang matapang na paninindigan sa mga mahahalagang isyu ng bansa at aktibong papel sa pagsusulong ng transparency at accountability sa pamahalaan. Bilang isang abogado bago pumasok sa pulitika, nagkaroon si Luistro ng matibay na karanasan sa larangan ng batas. Pumasa siya sa Bar noong 2002 at nagsilbi bilang state counsel at investigator ng pamahalaan kung saan nahawakan niya ang ilang sensitibong kaso, kabilang ang mga imbestigasyon sa mga anomalya sa gobyerno. Nagsilbi rin siya bilang municipal administrator ng Mabini, Batangas bago sumabak sa pambansang politika. Noong 2022, nahalal si Luistro bilang kongresista ng ikalawang distrito ng Batangas. Sa kanyang unang termino sa House of Repres...

Rep. Terry Ridon, from student leader to party list representative

Image
Rep. Terry Ridon, mula sa pagiging student leader, umangat sa pambansang politika, at patuloy na nagsusulong ng transparency, good governance, at partisipasyon ng kabataan sa pamahalaan. Si Terry Ridon, isang abogado, policy advocate, broadcaster, at lingkod-bayan na naging kilala sa Pilipinas bilang isa sa mga batang lider na umangat mula sa student leadership hanggang sa pagiging mambabatas. Sa kanyang karera sa pamahalaan at civil society, itinaguyod niya ang transparency, pananagutan sa gobyerno, at mas aktibong papel ng kabataan sa pamamahala ng bansa. Ipinanganak noong Enero 14, 1986 sa Quezon City, lumaki na may malaking pagpapahalaga sa edukasyon at serbisyo sa kapwa. Nag-aral siya sa University of the Philippines Manila kung saan kumuha si Terry Ridon ng kursong Development Studies. Dito nagsimula ang kanyang aktibong pakikilahok sa mga isyung panlipunan at pampulitika, lalo na ang mga usaping may kinalaman sa kabataan at edukasyon. Kalaunan ay nagtapos siya ng Juris Doc...

"I FELL, IT'S FINE" IN CINEMAS NATIONWIDE THIS APRIL 4, 2026

Image
Isang pambihirang kwento ng kababaihan, pag-ibig, pagkabigo, pagtanggap at pagbangon ang hatid ng pelikulang "I FELL, IT'S FINE" ng Wide International Film & Entertainment. Ang naturang pelikula ay iikot sa kwento ng dalawang babae na sina Chicks at Anne na gagampanan ng nga mahuhusay na Kapuso stars na sina Rhian Ramos at Glaiza De Castro. Tunay na nasakit ang mabigo sa pag-ibig ngunit masarap pa ring balikan ang tamis ng tunay na pag-ibig. Kasama rin sa pelikuka sina Rafael Rosell, Queenay Mercado, Elizabeth Oropesa, Alchris Lagura, at Ice Arago. Ang pelikula ay mula sa konsepto ng executive producers na sina April Martin at Pauline Mae Publico. Ipalalabas ito sa mga sinehan sa buong bansa simula April 4, 2026. 🎬

BENNY ABANTE JR., PINATUNAYANG POSIBLENG PAGSABAYIN ANG PAGLILINGKOD SA BAYAN NA HINDI NAISASAALANG-ALANG ANG PRINSIPYO AT PANANAMPALATAYA

Image
MAAARI BANG PAGSABAYIN ANG PAGLILINGKOD SA DIYOS AT SA BAYAN? Pinatunayan ni Benny Abante Jr., na posible ang paglilingkod sa bayan na hindi naisasaalang-alang ang prinsipyo at panananpalataya. Si Benny Abante Jr. ay isang Pilipinong pastor, lider ng relihiyon, at mambabatas na nakilala sa kanyang matagal na paglilingkod sa simbahan at sa pamahalaan. Ipinanganak siya noong September 12, 1947 sa Maynila. Bago siya naging kilalang personalidad sa politika, nagsimula muna siya bilang isang pastor at tagapagtatag ng simbahan, kung saan naging mahalagang bahagi ng kanyang buhay ang pangangaral at paglilingkod sa komunidad. Isa siya sa mga nagtatag at nagsilbing senior pastor ng Metropolitan Bible Baptist Church sa Maynila. Sa pamamagitan ng kanyang ministeryo, nakilala siya bilang isa sa mga kilalang evangelical leaders sa bansa na aktibong nagsusulong ng mga pagpapahalagang Kristiyano sa lipunan. Noong 1992, unang nahalal si Abante bilang kinatawan ng ika-anim na distrito ng Maynil...

"ALL ABOUT HER" OPISYAL NA KALAHOK SA 2026 SINAG MAYNILA

Image
Isang matinding crime-drama ang handog ng 3:16 Media Network sa pamamagitan ng “ALL ABOUT HER,” official finalist sa SINAG MAYNILA Independent Film Festival 2026 na gaganapin mula Marso 23–29 sa piling sinehan sa Metro Manila. Sa direksyon ng multi-awarded master director na si Joel C. Lamangan, tampok ang mga mahuhusay na aktor sa kanilang henerasyon na sina Tony Labrusca, Yuki Sonoda, Kelley Day, Itan Rosales, Marco Gomez, Angelica Cervantes, Jim Pebamco at Pancho Magno. Umiikot ang kuwento sa misteryosong pagkamatay ng isang beauty queen at pagkawala ng kanyang nobyo, isang imbestigasyong magbubunyag ng selos, ambisyon, at pagtataksil sa likod ng makislap na mundo ng pageantry. Habang dumarami ang rebelasyon, mas lalong nagiging malabo kung sino ang tunay na may sala. Sa festival na pinamumunuan ni award-winning director na ssi Brillante Mendoza kasama si Wilson Tieng ng Solar Pictures, tiyak na magiging usap-usapan ang pelikulang maglalantad ng katotohanang nagtatago sa...